Zirah Pov'
"We're here, Just knock and call him"
paguulit ni Zach. At bigla hinila si Nes.
Nandito nako sa harap ng pintuan ng kwarto ni Zach, ang kailangan ko lang gawin ay katokin ito. Pero kinakabahan ako parang nawalan ako ng lakas gawin iyon.
' Pero Zi, kailangan mong katokin ang pinto para bumukas ito at para malaman mo na rin ang nangyayari sayo.'
Yes nababaliw na ako dahil kausap ko na ang sarili ko.
"knock..................knock ....knock.."
"Jacxon..."mahinang sambit ko ng kanyang pangalan.
Hindi ko alam kung narinig niya ako o hindi.
Pero nagulat ako ng bigla bumukas eto, Naamoy ko agad angkakaibang amoy yung amoy na papawi sa uhaw ko. Yung amoy na gusto gusto ko.
Napakadilim wala ni isang sinag ng araw ang nakapasok.
"Ahmmm Jacxon? Nandito ka ba?" tanong ko dahil sobrang dilim ng kwarto kaya hindi ko siya makita.
May kamay na lumitaw sa harapan ko, At inaanyaya akong pumasok sa kwarto neto.
"Jacxon magusap tayo, bakit ganito ang nagyayari sakin?"
Ngunit hindi ito umiimik, Then suddenly he grabs my hand.
"Ahh Jacxon!"Sigaw ko dahil nagulat ako sa ginawa niya.
"Zirah..." Tinawag niya ako sa pangalan ko ang sarap sa tenga.
"Ipaiwanag mo sakin ang nangyayari, ano kaba talaga?"
Hinawakan neto ang mukha ko, at alam kong nasa harapan ko ito kahit hindi ko nakikita.
"Jacxon ayoko ng ganito hindi kita kilala, hindi ko alam ang pagkatao mo, natatakot rin ako.
Malumanay ko etong sinasabi sa kanya.
"I'm Scared that you'll run away if i tell you the truth"
"What?"
"I...... I'm a Vampire and you're mine."
Napaatras ako bigla, binalot ako ng takot hindi ko alam kung tatakbo na ako at magtatago,I know deep inside alam kong kakaiba siya pero hindi ko inakalang totoo ang bampira.
"A-ano...Bam-Bampira ka?"Nauutal na tanong ko ulit. Pero hindi na ito umimik pa
"P-Please, kung kakainin mo ako maawa ka naman sakin anemic ako."
"No., Hindi kita kakainin." mabilis ang naging pagsagot ni Jacxon.
Nararamdaman ko naman na hahawakan na ako neto kaya naman umatras ako ulit, sa pagakakataong eto ay tumalikod na ako upang tumakbo palabas ng kwarto neto.
"Nes! halika kana umalis na tayo dito." sabi ko kahit hinang hina na ako ay nagawa kung sabihin iyon habang tumatakbo papalapit sa kanya.
Agad ko naman siyang hinila papalabas ng bahay ng mga ito.
"T-teka nga muna Zi!" pigil niya.
"Nes magusap tayo sa bahay please."
Pagkapasok na pagkapasok ng bahay ay agad ko nilock ang pinto at mga bintana ay sinarado ko na rin.
"Nes, kailangan na nating lumipat hindi sila tao, mga bampira sila gagawin nila tayong pagkain pag hindi pa tayo umalis." isang mabilisang sabi ko sa kanya.
"Zi, hindi kita naintindihan pwede bang huminahon ka at maghinayhinay sa pag sasalita kasi feeling ko isang word nalang hihimatayin kana."
"Nes, hindi tao si Jacxon..." lumungkot ang boses ko."isa siyang bampira gagawin niya tayong pagkain."
"what?! are you serious? ano ba yang pinag sasabi mo parang hindi naman ako mapaniwala dyan!"
"I am! Jacxon already told me that he is a Vampire!, and maybe kaya ako nag kakasakit kasi he's consuming me like a food" Napanganga eto at hindi makapaniwala sa naririnig.
"Hey,Hey! that's not the Truth!" biglang may nag salita sa likod ko.
"Ay bampira""shuta!" sabay naming sigaw ni Nes dahil nabigla kami ng magsalita eto.
"Zach, Paano ka nakapasok dito ni lock na namin ang pinto ah." tanong ni Nes.
"Diba sinabi na ni Zi, ?"
"aaaaàaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh" biglang sumigaw si Nes, na ipinagtaka ko.
"Ma-May halimaw sa bintana!" kaya naman napatingin kaming dalawa ni Zach.
At nakilala ko ang halimaw na eto, ang halimaw na nasa gubat.... ginapang ako ng takot, madaming tanong ulit ang nabuo sa aking isipan.
"Zi!," sigaw ni Zach na at agad ako netong hinila.
"Shettttiii Paano ka nasundan neto?" nakakatakot na tanong ni Zach.
Napatingin ako kay Zach, Unti unting nagbabago ang kulay ng mga mata neto ang kaninang brown ay ngayon naging pula na lumitaw na rin ang mga pangil neto na lalong nag bigay ng sexappeal sa kanya naging maputla na rin eto ngunit talagang lumabas parin ang kagwapuhan neto.
"Zi, Wag mo kong pag pantasyahan lagot ako kay Jacxon niyan.!"
"Zi, wag na wag kang titingin sa mga mata ng halimaw." babala ni Zach.
Humawak ako sa kamay ni Nes na nanginginig na, Hinigpitan ko pa lalo ang hawak dito para mapakalma siya.
"Nes, pumikit nalang tayo para hindi na natin makita ang itsura neto." suhestyon ko na ginawa namin.
"Zi, ano ba tong pinasok mo.... " pagtatanong ko sa sarili.
"Don't worry darling, I'm here to protect you." may bumulong sakin pero alam ko kung sino iyon.
Dahil sa sinabi neto ay unti unting humupa ang kaba at takot na nararamdaman ko.
Nakarinig kami ng mga kalabog at isang ungol ng nasasaktan, maya maya pa ay nawala eto.
"Zirah...."tawag ni Jacxon
Kaya naman napamulat ako ng mata. Napatingin ako kay Nes ng hindi na eto nangingig yun pala ay hinimatay.
"Jacxon tulongan mo ko kay Nes" Ngunit parang wala itong naririnig dahil nakatitig lamang eto.
" Akin na Zi, tulongan na kita" Si Zach at kinuha si Nes upang ilagay sa sofa.
"Thank you Zach!"
"Ano ba talagang nangyayari bakit ako nasundan ng halimaw na yun?"
"I bet hindi kayo nakapagusap ng maayos ni Jacxon" si Zach.
"Zirah... your life is in danger, natunton ka ng halimaw dahil sa amoy mo."
" Hah? eh naliligo naman ako ah"
"Zirah ikaw ang dahilan kung bakit nakawala ang Dracolf isang uri ng halimaw na nabuhay dahil sa kasalanan ng dalawang tao."
"Paanong ako? hindi ko nga alam o kilala ang halimaw na yon".
" nang mag punta ka sa gubat may nakuha kang kahoy sa isang puno ang punong iyon ay isang kulungan para sa mga katulad niya at nagawa mo siya pakawalan."
"Eh kung napakawalan ko siya bakit niya ako sasaktan dapat diba mag pasalamat pa siya at pinakawalan ko siya.?"
"Sana nga.... Pero kasi ang may kakayanan mag pakawala dito ay ang may dugo ng taong kumulong dito."
"Ano ? hindi kita maintindihan Zach."
"Kadugo mo ang taong nagkulong sa kanya mahigit isang daang taon na ang nakakalipas, naamoy niya ang dugo ng taong iyon sayo kaya naman gusto ka niyang patayin." pagpapaliwanag neto.
"Si Jacxon ang tagapagbantay ng gubat, kung saang maraming halimaw ang nakakulong pero sa hindi inaasahang pangyayari ay natagpuan din ni Jacxon ang nakatakda para sa kanya ang matagal na niyang hinihintay."
"Hindi ko parin maintindihan ang lahat Zach parang ang hirap iabsorb."
"Si Jacxon lang ang makakapagligtas sayo Zi."
"Bakit siya? Baka naman may iba pang paraan?"
"Zi, si Jacxon lang ang makakayahan na patayin ang halimaw na ito."
"Asan si Jacxon bakit ikaw ang nagpapaliwanag ng mga ito?" Ngayon ko lang napansin na wala na pala ito sa paligid.
" Dahil alam kung wala kang makukuhang sagot sa kanya."
" Paano ko ipagkakatiwala ang kaligtasan ko sa isang bampira? paano kung gawin niya akong instant pagkain?"
"Hindi iyon maaring gawin ni Jacxon"paninigurado ni Zach
"Z-zi...."Si Nes nagising na.
"I'm sorry Zi, pero kailangan mabura ang alala ni Nes para na rin sa kaligtasan niya."
Agad naman akong sumangayon.
At ginawa naman ni Zach ang dapat gawin upang mawala ang alaala ni Nes. Unti unti naring bumabalik sa normal na kulay ang mata neto ang balat at nawala na ang mga pangil niya.
Bumangon agad si Nes.
"Nes! Okay kana ba?" tanong ko sa kanya.
"Ano bang nangyari? bakit ang sakit ng ulo ko ang natatandaan ko ay nagluluto ako kanina."
" Napagod ka ata Nes, mas mabuti magpahinga ka a muna" humarap ako sa pwesto ni Zach ngunit wala na eto, mas mabuti siguro yun para hindi na maalala pa ni Nes ang nangyari dahil ayokong pati siya ay madamay.
"Zi, pasok muna ako sa kwarto gusto ko kasing magpahinga."
"Sige Nes, no worries magpahinga ka na muna"
Pagkapasok ng kwarto ni Nes, ay marami rami agad ang pumasok sa isip ko ano ba ang dapat kung gawin ayoko ng ganitong buhay. Gugustohin ko pang mahirap basta normal lang.
"Jacxon! alam kong naririnig mo ako magusap tayo mamaya pumunta ka dito sa bahay marami pa akong katanungan saiyo at gusto kung sagutin mo lahat eto!" Dahil nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng bintan ng bahay namin.
Marami akong gustong malaman, lalo na sa kalagayan ko wala akong ganang kumain pero nagugutom at nauuhaw ako.
To be continue.....