Galit na tumayo ako. Malalaki ang mga hakbang kong tinungo ang pintuan ng kanyang condo. “Love, wait, aalis ka na?” Napahinto ako sa paglalakad. Napakuyom ang kamao kong may hawak na lighter. Hinarap ko siya. Galit ako sa kanya ngunit wala sa kalahati ang galit na nararamdaman ko kay Uriel. Masama kong tiningnan si Jelay. Napaatras ito ng makita ang madilim kong mukha. “L-love, b-bakit?” Nauutal niyang tanong sa akin. “Love?” Sarkastiko akong ngumiti at muling galit na tinitigan siya sa mga mata bakas ang takot sa mga iyon. “You asked for a second chance, for what?” “H-hindi kita maintindihan,” anas niya ngunit bakas ang guilt sa pagmumukha niya. “Did he satisfy you? Did he make you scream? Mas masarap ba siyang humalik? Dumila? Did he f*ck you?” “L-love-” “Stop calling me with tha

