Kanina pa ako nakaupo sa Isang restaurant at hinihintay ang pagdating ni Melody. Miss na miss ko na ang gaga. Gusto ko na siyang makayakap at makausap nang matagal para mailabas ang sama nang aking loob kay Gideon. Hindi rin ako makakilos nang maayos dahil pinapasundan ako nang aking mabait na asawa sa kanyang tauhan. Nakalabas nga ako sa bahay niya pero limitado naman ang mga kilos ko. Sa entrance lang naka steady ang aking mga mata para kung sakaling dumating na si Melody ay makikita ko na siya kaagad.
Ilang minuto pa ang lumipas, namataan ko si Melody sa nakatayo sa entrance nang restaurant at nagpalinga linga sa paligid.
"Melody!" Malakas kong tawag sa kanya.
Nagtinginan naman sa akin ang mga tao kaya napahawak ako sa aking bibig. Hindi pala karinderya itong pinuntahan ko kundi mamahaling kainan at mga mayaman lamang ang kayang makapasok dito.
"Tisay! Miss na miss kita!" Pabalik na sigaw rin nang loka-loka at tumakbo papalapit sa akin. Sa sobrang excited niya, nasagi nito ang Isang waiter na may dalang pagkain at naging dahilan para matapunan ang Isang magandang costumer.
Galit na nakatingin ang babaeng iyon kay Melody. Lumapit naman ako sa kinaroroonan nila para i-rescue ang kaibigan ko.
"You're so clumsy! I have a date right now but you ruin my f*****g dress!" Sigaw nang babae kay Melody.
"Pasensiya na po Ate, hindi ko po sinasadya!" Paghingi ng despensa ni Melody sa kanya.
"No, I can't forgive you, b***h!" Malakas niyang sinampal si Melody. Napanganga ang labi ko habang pinagmamasdan ang scene na 'to.
Hinimas ni Melody anh kanyang pisngi kung saan dumampi ang palad nang babae.
"That's what you got after you ruin my day!" Malditang tugon pa ng babae at tinalikuran si Melody.
Hinila ko si Melody sa kamay at sumenyas ako sa kanya na huwag nang patulan ang babaeng iyon pero winaksi niya ako.
"Teka lang, Tisay!" aniya sa akin. "Hoy! Hindi pa nga tayo tapos mag-usap tatalikuran mo na ako?! Ang bastos mo naman!" Sigaw ni Melody sa babaeng iyon.
Napahilot ako sa aking sentido. Walang hiya si Melody. Laki siya sa squatter at sobrang palengkera.
"Melody, huwag na! Nakakahiya oh!" Mahinang saway ko sa kanya.
"You shut up!" Idinuro niya pa ako at natakot naman ako rito.
Bumalik ang babae sa kinaroroonan ni Melody. "Do you want to say something?!" Taas kilay na tanong ng babae.
"Yes, how dare you to call me b***h?! Mas mukhang b***h kapa sa akin na tangina ka!" Pamamahiya ni Melody sa kanya.
"Oh common! Hindi na kita papatulan dahil halatang palengkera ka naman!" Nakangising sabi nang babae sa kanya at inirapan si Melody.
Biglang hinila ni Melody ang buhok nito at ningudngud ang mukha nang babaeng iyon sa pagkain na natapon kanina. Sigaw nang sigaw ang babae para bitawan siya ni Melody pero mukhang nasisiyahan ang kaibigan ko sa ginagawa niya. Ang ibang tao na naroon ay binidyohan ang pangyayari.
"Wala kang karapatan na sampalin ako, ha! Humingi na nga nang pasensiya ang tao, nagmamaldita kapa!" Nanggigil na sabi ni Melody.
"Please, let me go! My hair! My hair!" Sigaw nang babae.
"Tama na 'yan, Melody! Ano kaba! Tama na!" Awat ko sa kanya habang tinatanggak ang kanyang kamay na nakahawak sa buhok nang babae.
"Hindi ko siya bibitawan hangga't hindi nakakalbo ang babaeng ito!" Nanlilisik na ang mga mata ni Melody sa sobrang panggigil.
"Sige, kapag hindi kapa tumigil aalis na ako dito!" Pagbabanta ko pa.
Nang sabihin ko iyon, biglang itinulak ni Melody ang babae. Kaagad naman tumakbo palabas ng restaurant ang babae habang humahagulgol sa iyak at tinatakpan ang kanyang mukha dahil sa kahihiyan. Dinala ko si Melody sa reserve table ko. Chill lang siya at parang walang pakialam kahit pinagbubulungan na.
"Nakakahiya ka talaga! Tingnan mo oh, ikaw nalang ang pinag-uusapan!" Sabi ko.
"Wala akong pakialam sa kanila 'no. Pwedi ba Tisay, 'wag mo na silang pansinin?! Anyway, bakit nawala ka nalang na parang bula? Kinidnap kaba? Saan ka pumunta? Nagtanan o di kaya may tinataguan kabang inutangan mo?" sunod-sunod na tanong nito sabay inom nang tubig.
"Gaga! Kailan pa ako nangutang? Alam mo Melody, hindi ko nga rin alam kung paano ko sisimulan na isalaysay sa'yo ang pangyayari 'e. Basta iti nalang ang sasabihin ko, direct to the point. May asawa na ako at kasal na!" Ipinakita ko sa kanya ang singsing na suot ko.
Muntik nang matumba si Melody sa kanyang inuupuan. Kaagad ko siyang sinalo at ipinainom nang tubig.
"Shock ka?!" tanong ko pa.
"Totoo ba 'yan?! Kailan pa? Bakit hindi ko alam na may boyfriend ka, Tisay?! Ako ba ay pinagloloko mo?!" Tila hindi makapaniwalang sabi pa nito.
Huminga ako nang malalim. "May ari nang Del Fonso Hotel ang napangasawa ko, Melody. Kahit na ako hindi ko nga rin malaman ang dahilan kung bakit gusto niya ako maging asawa. Sinundan ko nalang dahil tinakot niya ako!" Napahilamos ako nang aking kamay sa mukha. "Wala na akong kawala sa mga kamay niya, nakuha na din niya ang perlas ko!" dugtong ko pa.
Napatayo si Melody sabay hampas sa mesa. "You mean, hindi kana virgin?! Oh, congrats, Tisay!" Malakas na sabi nito.
Gusto ko nang matunaw sa kahihiyan dahil sa boses niya. Napapailing ang mga taong nakarinig sa pinag-uusapan naming dalawa.
"Kamusta ang first s*x? Masakit ba o masarap?" tanong pa nito.
"Pwedi bang hinaan mo ang boses mo?! Tsaka, iyan kaagad ang naisipan mong itanong?" Inis na sabi ko sa kanya.
"Ano ba dapat ang itatanong ko?! Ay oo nga pala, paano naman kayo nagkakilala nang may-ari nang Del Fonso Hotel? Balita ko strikto iyon, masungit pero gwapo." Aniya.
"Basta long story, ayoko nang balikan ang unang pagkrus nang landas namin. Melody, tulungan mo naman akong makatakas sa poder niya. Please?!" Pakiusap ko pa sa kanya.
"Siraulo kaba? Swerte kana Tisay dahil napaka yaman nang napangasawa mo, pero ayun sa rumor may asawa daw iyan dati. Iniwan nga lang dahil may pagka psycho itong lalaki!" sabi nai Melody.
Nanatayo naman ang aking balahibo nang sabihin niyang may pagka psycho si Gideon. May asawa?! Paano naman kami ikinasal kung may asawa siya dati?
"Sigurado kaba sa sinasabi mo?!" Paninigurado ko.
"Natural, hindi. Chismis lang iyon 'e," sagot naman nito habang tumatawa.
Ang dami ko pang ikinuwento sa kanya. Lahat na ata nang mga ginawa sa akin ni Gideon at ipinagtapat ko na kay Melody. Naglalaway pa siya nang malaman niya kung gaano kalaki ang alag ni Gideon at interesado siyang tikman iyon. Natatawang nalang ako sa mga nagiging reaksyon niya.
Nakailang order na rin kami nang pagkain pero tila pareho kaming dalawa na hindi nabubusog. Panay subo habang nagkukwetuhan. Nakakalungkot lang isipin dahil wala akong ideya kung kailan na naman ako makakalabas sa mansyon ni Gideon. Gusto niya akong ikulong, napaki usapan ko lang siya ngayon kaya pumayag siyang makipag kita ako kay Melody.
"Bakit ka biglang natahimik?" Napaigtad ako sa paghampas ni Melody sa braso ko.
"May iniisip lang kasi ako!" Pinilit kong ngumiti sa kanya.
"Sorry talaga, ayokong sumasawsaw sa gulong pinasukan mo at baka pati aki materminate sa hotel. Alam mo naman na kailangan ko talaga ng trabaho, Tisay!" Sabi niya pa sa akin.
Naintindihan ko naman si Melody. Iba na kapag si Gideon ang kalabanin. Kahit isumbong ko pa siya sa pulis na kinidnap niya lang ako para pakasalan, tiyak na walang maniniwala sa akin. Kaya lang naman pinapatulan ko na sa s*x si Gideon para hindi niya ako masaktan. Kailangan kong magpakumbaba hanggang sa siya na mismo ang magdesisyon na paalisin ako sa bahay niya.
"Pero may idea ako kung paano mo siya iinisin, Tisay!" sabi pa ni Melody habang dinuduro ang kanyang ulo.
"Ano?!" I ask with curiousity.
"Dapat pagdating sa s*x mapapaligaya mo siya nang maayos. Pero ito ang gagawin mo para ayawan kana niya, waldasin mo ang kanyang pera. Magnakaw ka sa bangko niya o di kaya sirain mo ang kanyang negosyo. Tiyak, magagalit siya at palalayasin ka niya dahil akala niya mukhang pera ka!" Nakangising sabi pa nito.
"Nagpapatawa ka ata, paano kung saktan niya ako?!" Hindi ako kumbinsido sa sinasabi niya.
"Hindi 'yan. Obsessed siya sa'yo hindi ba?" wika pa ni Melody.
Sasagot pa sana ako nang biglang may humablot sa kamay ko kaya napatayo ako sa aking inuupuan.
"Let's go home!" Malamig na sabi sa akin ni Gideon.
"G-Gideon?!" Gulat kong sambit sa kanyang pangalan.
"Oh my Gosh, ang gwapo. Ikaw ba ang asawa ni Tisay?!" Halos malaglag ang panga ni Melody habang pinagmamasdan ang mukha ni Gideon. "Papicture naman!" Humawak.pa ito sa braso ni Gideon sabay kuha ng kanyang phone sa bulsa niya.
"Stay away from me!" Galit na itinulak ni Gideon si Melody. Muntik nang matumba anh kaibigan ko. "Halika na, Lyn!"
"Wait! Melody, okay kalang ba? Sorry!" Sigaw ko habang hinihila ako ni Gideon palabas ng restaurant.
"Okay lang ako. Baka gusto niyang mag jerjer kaya ka papauwiin, pagbigyan mo!" sigaw naman ni Melody sa akin.
Napaka loka-loka talaga, nasa seryosong sitwasyon na kami pero nakuha niya pang magbiro.
Sumasakit ang braso ko sa higpit nang paghila sa akin ni Gideon hanggang sa makarating kami ng parking lot. Galit na galit ang kanyang awra. Tila ba gusto niya akong kainin dahil namumula anh kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Anong kasalanan ko? Nagpaalam naman ako sa'yo na aalis ako at pumayag ka. Tapos ngayon, susundin mo ako at hihilahin mo pa palabas, pinapahiya mo ako 'e!" Mangiyak ngiyak na sabi ko sa kanya.
"What about this?!" Ipinakita niya sa akin ang kanyang phone. Napakunot ang aking noo nang makita ang video. Si Melody iyon at ang babae kanina. Mabilis talagang kumalat ang mga ganito sa internet.
"Ano naman 'yan? Hindi naman ako iyan 'e!" sabi ko pa.
"Kahit na! Ano nalang ang sasabihin nang ibang tao kapag malaman nila na may war freak na kaibigan ang asawa ko?! You are my wife, gusto lang kitang protektahan sa lahat nang bagay!" giit naman nito.
"Kaya mo ako sinaktan dahil lang sa video nang kaibigan ko?! Grabi ka Gideon, asawa mo na ako pero hindi mo ako tinatrato na asawa. Nakakasama ka ng loob ha! Matagal na kaming magkaibigan ni Melody, palaban talaga siya-"
"Stay away from her!" Seryosong Saad nito.
"What?!" Napataas ang kilay ko.
"You heard me, right?! Simula ngayon, ayoko nang sumasama ka sa kanya. Did you get it?!" galit na sabi nito.
"Pero Gideon-"
"Just follow what I've said. Kapag hindi ka sumunod, mapipilitan akong ikulong ka sa bahay at hindi palalabasin kahit kailan. Naintindihan mo?!" Banta nito habang dinuduro ako.
Alam ko na totoong galit siya. Kailangan ko siyang pakalmahin. Tumango ako sa kanya at hinaplos ang kanyang dibdib.
"Fine, huwag ka ng magalit dahil natatakot ako!" Mahinang sabi ko at idinikit ang aking ulo sa kanyang dibdib para mayakap ko siya.
Minsan hindi ko malaman kung ano ba talaga ang tunay na pagkatao ni Gideon. Dumadating sa punto na anh bait niya sa akin, sweet at sobrang caring. Pero minsan din, palaging galit at mainit ang ulo sa akin.
"I didn't mean to scared you, Lyn. Ayoko lang na may kaibigan kang kagaya niya. Umuwi na tayo!" Inaalalayan niya akong Maka akyat sa sasakyan.
Gusto ko talagang makipagbangayan kay Gideon pero naroon pa rin sa puso ko ang takot sa kanya kapag nakikita ko siyang nagagalit.
"G-Gideon, dahil lang ba sa video kaya mo ako sinundo?" tanong ko sa kanya.
Papaandarin na niya sana ang makina nang sasakyan pero napatigil ito dahil sa katanungan ko. "Yes, someone send it to me. Ayokong may makakita sa'yo sa vedio na iyan kaya pinadelete ko na," nakangiting sagot niya sa akin.
Ipinatong niya ang kanyang kamay sa hita ko. "Sabihin mo lang sa akin kung ano ang gusto mo at ibibigay ko, para lang huwag ka na munang makipag usap kahit na kanino!" aniya.
Gumuhit ang isang mala demonying ngiti sa labi ko. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Melody kanina. Susubukan ko iyon.
"Wala akong gusto kundi ang oras mo!" Nakangiting sabi ko.
Gumanti siya nang isang malapad na ngiti at dinikit ang kanyang labi sa labi ko. Lumakas lalo ang t***k nang aking dibdib. He kissed me passionately and I kissed him back.
"I love you so so much!" mahinang bulong nito sabay siil nang halik sa leeg ko.
Even my feelings was confusing. Minsan, galit ako kay Gideon. Minsan gusto ko ang ginagawa niya sa akin. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Kailangan ko na bang tanggapin na may feeling ako kay Gideon?