"Halos sabay sabay na kaming lumaking lima. Si Danella anak ni Manang Esita na mayordoma kila Donya Amarina na ina naman ni Wardden." sabi ni Ms. Shania na abala sa pagpirma ng kung ano. "Naging matalik na magkaibigan ang dalawang ginang kaya hindi na nakakapagtaka na pinagkasundo nila Donya Amarina ang dalawa noon pero sila Wardden parin ang nasunod. Mukhang hindi naman siniryoso ng dalawa ang bagay na iyon lalo pa at nagkaroon ng kasintahan si Wardden. Si Crystal." napalunok ako sa nalaman ko. "Crystal?" alanganin kong usal. Mabilis na tumingin muna sakin si Ms. Shania bago tumango at muling binalik sa papel ang atensyon. "Oo. Siya ang unang babaeng minahal at siniryoso ni Wardden." napakagat ako ng labi. Babaeng minahal niya? "Dito sila nagkakilala ni Wardden sa Isla de Plaso. Isa siy

