(Hesiod Dale's POV) "Hey, andyan ka pa?" ang tanong niya pagkatapos kumanta. "Oo" ang tugon ko. "Ayy, sayang" ang reaksyon niya. "Ha? Bakit?" "Akala ko namatay ka na sa kilig" ang tugon niya na nagpatawa sa akin. "Sira. Malapit na kung ipagpapatuloy mo pa" ang paliwanag ko. "Eh, di isa pa. Para sa'yo lang naman yun" "Wag!“ "Bakit?" "Pulang-pula na ako rito." ang pag-amin ko. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Aww, nagblublush ang Hesiod. Ang cute mo talaga" ang komento niya. Simula nang araw na yun ay nagsimula na akong magkagusto sa kanya. Nagsimula akong mahulog sa taong hindi ko pa nakikita... hindi ko pa lubusang kilala. At dahil dun ay ang malaking pangambang tumubo sa aking dibdib. Pangamba na muli kong maranasan ang pait at sakit ng pagkawala ni Jeric sa ka

