★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★ [CHAPTER TWENTY FOUR: Session Road] (Hesiod's POV) Cause it’s beautiful, ooh you make me feel invincible And I can’t pretend that doesn’t mean a thing to me, to me, oh yeah Buong araw lang kaming magkasama. Tinulungan niya ako sa gawaing bahay kahit na pilitin kong ako na lang hanggang sa pagbabantay ng sari-sari store. Natulog lang kami nang mapagsibahan na kami ni Mama nang sumapit ang gabi. Kinabukasan ay nagising kaming magkatabi. "Good morning pillow" ang bati niya sa akin. "Happy First Daysary" ang bati ko. "Huh?" ang reaksyon niya sabay upo. "Ibig mong sabihin kahapon pa tayong mag-on?" Napangiti ako at napatango. Bigla naman niya akong pinatungan at kaagad pinaulan ng halik sa aking mukha. "Thank you pillow. Promise aalagaan kita, mamahalin buong bu

