[CHAPTER TWENTY TWO: Sugar Night ] (HESIOD's POV) Ramdam ko na ang mainit niyang hininga sa aking mukha. "Pillow, pumikit ka" ang bilin niya na may bahid ng lambing at lambot na tila ba bata ang kanyang kinaka-usap na unang beses pa lang papasok sa eskwelahan. "Pikit na" Pumikit na lang ako at hinintay ang mga susunod na mangyayari. Bigla ko na lang naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa akin na bigla ring nawala ngunit para akong kinuryente dun. "Tapos na?" ang nagtataka kong tanong. Ang high school naman ng first kiss ko -______-. Hindi siya sumagot. Imumulat ko na sana ang aking mga mata nang tatlo pang madadaling halik ang binigay niya sa akin. Each gives me an equal amount of electric shock all throughout my body. Para akong manghihina. Muli niyang dinampi ang labi niya sa akin.

