[CHAPTER SEVENTEEN: Last Breath] (Hugo Sebastian's POV) Pagka-ahon namin ay nagkatinginan kaming dalawa. Alam kong hindi mapinta ang lapad ng ngiti sa labi ko. Buong maghapon lang kami nagtampisaw sa dagat at naglaro sa buhangin na parang mga bata. Muli akong tumawa ng ganito pagkatapos ng mahabang panahon. He's my drug. He's my medicine. I love him. Noon pa lang ay mahal ko na siya. Nang palubog na ang araw ay yinaya ko siya palayo ng beach. "Okay lang na iwan natin mga gamit natin dito?" ang tanong niya. "Oo naman." ang tugon ko sabay hawak sa kamay niya. Naglakad kami sa dalampasigan palayo sa tent. "Ang layo na natin, H" ang nag-aalala niyang sinabi. ""Seb" ang pagtatama ko. "Saan ba tayo pupunta?" ang tanong niya. "Dito na" ang tugon ko. Naupo kami sa parteng yun. Natahimik na

