[CHAPTER TEN: Confirmed] "Alam mo, mas lalo kang naging wirdo sa paningin ko" ang komento ko sa kanya. "Bakit naman?" "Dalawang taon kang nagpakatanga sa isang tulad ko. Tignan mo ako Jeric. Hindi ako pangrampa sa Session Road o sa kung saan man. Isa ako sa mga lalakeng huling pagpipilian. Tignan mo sarili mo at ang mga taong nakapaligid sa'yo. Hindi ako isa sa kanila." "Tama ka" ang pagsang-ayon ni Jeric. "Hindi ka isa sa kanila at hindi ka nila katulad; kaya nga nagustuhan kita kasi hindi ka katulad nila. Bakit ba ang baba ng tingin mo sa sarili mo?" "Hindi ganun yun, Jeric" ang depensa ko. "Nagsasabi lang ako ng totoo. Na pangit ako; gwapo ka. Pag tinanggihan kita; sasabihin ng mga tao.... Nag-iinarte ako at nagmama-gwapo... pag naging tayo, sasabihin naman nila; ang malas mo." "S

