SHANTALIA POV's
PAGKAMULAT ng mga mata ko ininda ko kaagad ang masakit ko na ulo at buong katawan. Pilit ko inaalala ang mga nangyari kagabi. Hayst! Lalo lang sumasakit ang ulo ko wala talaga ako maalala.
*Pindot*
*Pindot*
Ang tigas naman ng unan na to? Kailan pa ako nagkaroon ng unan na ganito katigas? Agad ako napatayo sa pagkakahiga ng marealize ko na hindi unan ang pinipindot ko. Kundi dibdib ng isang lalaki WAAAAAH! lupa lamunin mo na ako kaninong kwarto to? Nawala bigla ang hangover ko. Bakit nakayakap ako sa lalaking to? Napahawak ako sa kumot na nakabalot sa katawan ko agad ako sumilip sa ilalim. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko iba na ang suot ko.
"WAAAAAH!! Anong ginawa mo sa’kin?!" Buong lakas ko pinalo sa mukha ang lalaking katabi ko. Kulang na lang sakalin ko sa sobrang galit ko.
"Shhh! Calm down, Ouch! my handsome face!" Reklamo niya habang nakahawak sa makinis niyang mukha.
"A–Anong ginawa mo sa'kin manyakis ka no?!" Lumapit ako sa kanya at sinabunutan ko ang buhok niya.
"Hey! Stop! what the F*CK!!" Hinawakan niya ang kamay ko.
"YOU CAN'T MAKE ME STOP BASTARD!!"
Halos tumigil ang t***k ng puso ko ang lapit ng mukha niya sa mukha ko nasa ibabaw ko na siya.
"Wala ka ba talagang naaalala?" He smirked. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa'kin. Amoy ko ang mabangong niyang hininga. Amoy mint.
"A-anong pinag sasabi mo?!" Tulak ko sa kanya ng malakas.
"We make Love remember?" Walang paligoy ligoy niyang sinabi sa'kin para akong nabingi sa sinabi niya. Nanlaki ang mata ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko nasampal ko siya ng pagkalakas–lakas pati kamay ko sumakit.
"f**k! What that for?!" Gulat niyang hinawakan ang pisngi niya.
"WAAAAH! YOU BASTARD I'M GOING TO KILL YOU!!" Aktong sasabunutan ko nanaman siya ng bigla siyang tumayo at tumakbo.
Para kaming ewan na nag hahabulan sa loob ng kwarto.
"Ayaw mo maniwala?" He grinned.
Hinabol ko siya at ready ko na siyang durugin sa mga kamay ko.
"Look at the clothes you're wearing, that's not what you wore last night." Saad niya sa ng iinis na tono.
"PAG NAHULI KITA! I'M GOING TO KILL YOU!!!!" Nanginginig na sigaw ko sa kanya mas lalo pa akong naiinis sa ngiti niyang nakakaloko.
"Chase me If you can!" Hindi ko napigilan ang sarili ko ng bigla na lang ako humagulgol ng iyak.
*Sob!*
"Hindi to pwede!"
*Sob!*
"Hindi na ako virgin!"
He burst into laugh. Eh? loko ba to? Ano ako clown para pag tawanan niya lang dito? Ginagawa niyang katatawanan ang bagay na yon samantalang sa'kin napaka halaga non.
"Ibig sabihin?" Habang tumatawa pa rin.
"Shut Up! wala kang narinig!!" Bulyaw ko sa kanya.
"Hey! Don't Shout, I'm not deaf." Sabay takip nito sa dalawang tenga.
"Calm down, can you?" Isinuklay nito sa kanyang buhok ang kamay niya. Seryoso itong tumingin sa'kin.
"'I'm just kidding. Happy?" Ibinaba niya ang mukha niya parang ka level sa'kin.
Pinag loloko lang pala ako ng lalaking to. May paiyak iyak pa ako sayang ang luha ko.
"Stop crying, tss! stupid your still a VIRGIN!" Hindi maalis sa mukha nito ang ngiting nakakaloko at talagang Inemphasize pa ang salitang Virgin ng kumag na to.
Nag init ang mukha ko sa inis parang gusto ko na lang talaga lumubog sa kinatatayuan ko saka pag ito hindi pa tumigil kakatawag ng stupid sa'kin masasabunutan ko nanaman.
"Nasaan ba ako? Nasaan ang mga kaibigan ko?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"In the other room." Saad niya habang nakapamulsa.
Mas mabuting umalis na ko dito at baka ma–wrestling ko pa to ng wala sa oras. Tatayo na ako ng may kumatok sa pinto ng tatlong beses.
*Tok*
*Tok*
*Tok*
"Shantalia, Nandiyan ka ba? Open the door please!" Walang tigil sa pag katok si Ally. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako nag tungo sa pinto.
"Wait lang Ally!"
Tumingin pa ako ng isang beses sa kanya. Tsaka ko siya inirapan ng madiin. Ngumisi lang naman to.
Pagka bukas ko ng pinto. Bumungad sa'kin ang makahulugang ngiti ni Ally. Isa rin to Eh! kung ano ano nasa isip.
"Mali ang iniisip mo Ally, Nasaan ba tayo? We have to get out of here. Siguradong hinahanap na ako mama." Nag aalalang saad ko.
"Nandito tayo ngayon sa isla ng mga El Franco and sad to say na lockdown tayo dito. Balita na sa buong mundo ang pagkalat ng covid 19." Nag aalalang sabi ni Ally.
Napasapo ako sa ulo paano ba kami humantong sa ganitong sitwasyon parang kagabi lang nasa bar kami masayang nag iinuman ngayon na lockdown na kami islang to. Mas lalo lang sumakit ang ulo ko.
"Kailangan ko tawagan si mama."
"Cellphone ko na lang ang gamitin mo may load yan." Abot niya sa cellphone. Kaagad ko tinawagan si mama.
*Kriiiiing*
*Kriiiiing*
Sa pangalawang ring sinagot ni mama ang tawag ko.
"Hello?" Sagot sa kabilang linya.
"Mama. Si Shantalia po ito, Sorry mama hindi po ako nakauwi kagabi." I sighed.
"I'm so worried anak." Narinig ko ang pag buntong hininga ni mama sa kabilang linya.
"Sorry po mama. Huwag po kayo mag alala safe naman po ako kasama ko po sila Allyson, Claire at Joshua."
"Sige Anak, mag iingat kayo lalo na ngayon kumalat na ang covid 19 at lockdown na ang buong pilipinas mas safe nga siguro kung diyan muna kayo."
"Opo mama mag iingat po kami mag ingat din po kayo ni bunso."
"Okey Anak."
Binaba na ni mama ang tawag.
"Ano sabi?" tanong ni Ally.
"Nag alala si mama sa hindi ko pag uwi kagabi."
"Syempre naman ganyan naman ang mga ina hindi ba? Malamang sila mama hinahanap na rin ako matawagan nga rin sila mamaya." Saad ni Ally.
"Oo para alam rin nila na safe lang tayo dito." Saad ko naman.
Tumango lang ito sa akin. Ang problema ko na lang ngayon na lockeddown kami dito sa beach resort ng mga El Franco. Isa lang ang ibig sabihin non makakasama ko pa ng matagal ang lalaking yon!
Hindi ko na ata kaya pang makasama at makita siya araw–araw. Iniisip ko pa lang umaakyat na dugo ko sa inis.
"So, Ano tara na?" Pag aaya sa'kin ni Ally.
"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko.
"Naka ready na ang breakfast nandon na silang lahat."
"Ah, Okey."
Ang galing naman talagang inaasikaso ng mga staff ang mga taong na lockdown dito sa isla. Nag tungo na kami ni Ally sa dining area. Biglang nag init ang mukha ko ng makita ko na ang dami nila sa dining table.
Nandon ang mga kaibigan niya kasama ang mga girlfriends nila. Nabaling ang atensyon ko sa lalaking nakatingin sa'kin ang cold pa rin ng mga titig niya. I calmed myself and looked away.
"Doon ka bessy." Turo ni Ally sa bakanteng upuan.
"A–Ano? Ayoko nga." Bulong ko sa kanya. Paano ba naman ang bakanteng upuan na tinutukoy niya ay sa pagitan ni Mr. Cold guy at ni Dylan.
"Bahala ka diyan." Nagmadali itong nag tungo sa tabi ni Joshua.
Dahil no choice at wala ng bakante. Doon na lang talaga ako mauupo gutom na rin ako uunahin ko pa ba ang pag iinarte?
Nakayuko ako na nag tungo sa bakanteng upuan. Aktong hihilahin ko na ng biglang hinila ni Dylan at ni Mr. Cold guy ang upuan. Napatingin ang lahat sa amin.
"A–ako na." Nauutal ko'ng sabi.
Ano ba yan. Ano ba nakain ng mga to at kailangan pang gawin yon? Kaya ko namang gawin ng mag isa. Nawala naman kaagad ang mga tinginan. Kumuha ako ng pagkain at yumuko na lang. Sa mga Oras na to parang gusto ko na lang talaga lamunin ng lupa dahil sa hiya.
Hindi ko maiwasan hindi tignan sa peripheral view ko ang dalawang katabi ko. Napapatingin rin ako sa tatlo at nasasaktong nakatingin din sila sa'kin. Matingin ng nanunukso.
Napaiktad ako ng bahagyang dumikit ang hita ni Dylan sa legs ko. Inubos ko ang pagkain na nasa plato ko at tumayo na. Sinenyasan ko yung tatlo na sumunod na lang sa'kin sa labas.
Lumabas muna ako ng bahay at nag ikot ikot sa gilid ng dalampasigan may mga cottage na pwedeng tambayan. Malinis at maganda ang beach na ito white sand ang buhangin. May mangilan–ngilan rin na puting bato.
Isa–isa ko itong pinulot saka ibinato sa dagat. Hindi ko mapigilan mapabuntong hininga kapag naiisip ko ang mga nangyayari.
Ang aliwalas ng panahon ngayon malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Cumulonimbus ang ulap. Mataas na ang araw masakit na sa balat ang pag tama ng araw. Napag pasyahan ko'ng maligo na.
Sa hindi kalayuan tanaw ko'ng tumatakbo yong tatlo papunta sa'kin.
"Ang daya hindi nag aaya." Saad ni Joshua habang nakapamewang. Hingal na hingal siya.
"Kaya nga." Gatong ni Ally pati rin ito ay hinihingal.
"Ang tagal nyo kasi eh!" Nakangiting saad ko.
"Let's go! maligo na tayo!" Excited na sabi ni Ally.
Maliligo na ako ng maalala ko wala pala kaming dalang mga gamit.
"Patay! paano yan wala tayong dalang mga damit?" Tanong ko sa kanila.
"Huwag mo ng problemahin yan Bessy, May mga damit na dinala ang staff ng isla kanina at nasa room na natin. Namin pala." Pag kokoreksyon na sabi ni Ally.
Pati mga needs namin sila na nag provide? Nakakatuwa lang. Naupo muna kami sa gilid ng dalampasigan. Nagkukulitan kaming apat ng matanaw ko sa hindi kalayuan si Dylan at Mr. cold eye. Parehas na seryoso ang kanilang mukha parang may importante silang pinag uusapan na hindi mo pwedeng istorbohin.
Bigla akong na curious kung ano ba ang kanilang pinag uusapan at ganon na lang kaseryoso ang mukha nila. Lalo na kay Dylan first time ko siyang makita na ganiyan ka seryoso.
Nawala ako sa pagiisip ng magsalita si Joshua.
"Bessy, Lumilipad nanaman ang isip mo." Sabi ni Joshua habang pinupuno ng buhangin ang tuhod niya.
"Ewan ko ba sa kaibigan nating yan kasama natin pero ang isip nasa ibang planeta." Dagdag ni Ally. Tinignan ko ito ng masama nag tawanan lang sila.
"May party daw diyan mamaya at bonfire, Tara ng hindi naman boring no?" Tanong ni Ally.
"Push!" Tipid na sagot ko.
"Mag boys' hunting ako. Tayo? tayo pala!" Segunda ni Joshua, Habang tuwang tuwa at umapir pa sa dalawa. Napailing na lang ako.
Pag itong tatlo talaga ang kasama ko wala akong choice kundi sakyan ang trip nila. Go with the flow na lang talaga. Saka ano pa ba dapat gagawin dito sa isla na to? EH D magpakasaya na lang. Kesa naman magpakalugmok at hintayin na lang matapos ang lockdown.
~~~
Mag aalas–sais na ng gabi ng mapagpasyahan naming apat na lumabas na ng kwarto para maki party. Simpleng black high waist short at pink sleeveless top lang ang suot ko. Mag jejeans jacket ako at siguradong malamig doon dahil sa gilid ng dalampasigan gaganapin ang bonfire.
"Ano ka ba Bessy, take off that jacket." Sabay alis ni Ally sa jacket na suot ko.
"Huh? bakit may mali ba? saka ang lamig kaya." Agaw ko sa jacket ko.
"No! Hindi ka lalabas na ganyan ang suot alisin mo ang jacket mo mas sexy ka tignan." Tinignan niya ako from head to toe.
Wala rin naman ako'ng magagawa dahil siguradong ipag pipilitan ng kaibigan ko ang gusto.
Paglabas namin ng kwarto madilim na sa labas maramirami na rin ang mga tao. Safe kaya dito? kasi nga d ba kasagsagan palang ng covid ngayon?
"Ang dami pa lang tao. Safe kaya? d ba nga may covid ngayon." Pag aalalang tanong ko sa kanila.
"Ano kaba bessy, Tignan mo ang taong yan." Turo ni Ally sa mga nag uumpukang tao sa bar at dalampasigan.
"Mga mukhang sosyalin hindi ba? Mukha ba'ng may virus ang mga yan?" Pabirong saad ni Ally.
Kung sabagay hindi naman siguro sila papasukin dito sa isla kung may covid sila. Saka ang pagkakaalam ko private ang Isla ng mga El Franco tanging mayayaman lang ang kayang pumasok dito.
"Tara doon sa bar counter kuha tayo drinks." Aya sa'min ni Claire.
Here we go again. Pwede ba ayoko na munang makita ang alak na yan may masamang alala pa ako diyan Eh!
Kumuha sila ng apat na glass ng tequila sa bar counter. Nag uumpisa ng mag sigawan at mag sawayan ng tumugtog ng malakas ang music. Pati kaming apat napapasayaw na rin sa ganda ng music. Nasa gitna kami ng dance floor sumasayaw ng may tatlong kalalakihan ang lumapit sa'min.
Sa tantya ko hindi nalalayo ang edad nila sa'min. Mukhang mayayaman at may itsura. Tinignan ko sila isa–isa mukha namang silang matitino.
Napatingin sa'kin ang mestizong chinito. Pinapasadahan niya ako ng tingin pataas pababa. Nailang naman ako. Hindi ako komportable na tinitignan ako ng ganon.
"Hi ladies." Bati ni mestizo sa'min.
"Hello!" Pag papacute na bati ng tatlo.
"May kasama ba kayo?" Tanong nito sa'min. Hindi mawala ang tingin sa akin ni mestizo'ng pogi.
"Wala naman." Sagot ni Ally.
"Baka pwede kami maki join sainyo?"
"Sure." Sagot naman ng tatlo.
Isa–isa na silang nagpakilala sa'min. Kyle ang pangalan ni mestizo at yong dalawang kaibigan niya si Tyrone at Blake. Ngayon ay kausap na ni Ally si Tyrone kausap naman ni Blake si Claire at Joshua na mukhang may agawan pang magaganap sa pagitan ng dalawa. Lahat naman sila may itsura at mababait kaya nakapalagayan agad ng loob ng tatlo.
Nagkasalubong kami tingin ni Kyle ngumisi siya at lumapit sa'kin. Tinanong niya ako kung ano gusto ko inumin. Agad naman ako'ng tumanggi. Tama na sa'kin ang isang glass ng tequila baka mamaya malasing nanaman ako.
"Juice na lang ang akin."
Nagtungo siya sa bar counter. Pagbalik niya dala na nito ang juice ko. Inabot niya sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko. Muntik ko ng maibuga ang juice na iniinom ko sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Napansin ata niya ang reaction ko kaya lumayo siya.
"Sorry. Nabigla ba kita." Napahawak ito batok.
"A–Ah O–Okey lang." Sagot ko ng mawala ang ilang sa pagitan naming dalawa. Masaya kaming nag kukwentuhan at nagtatawanan ni Kyle ng maramdaman ko ulit ang pakiramdam na parang may nakatingin sa akin pero hindi ko alam kung saan siya banda. Hindi ko alam kung multo ba to. Hindi ko mahuli ang tingin na yon.
Hindi na ako komportable. Hindi ko magawang tumawa dahil pakiramdam ko may nakatingin talaga sa akin. Napagpasyahan namin ni Kyle na mag punta ng dalampasigan. Nandoon ang bonfire.
Nagpaiwan na muna yong tatlo kasama ang mga kaibigan ni Kyle. Kaming dalawa na lang ni Kyle ang pupunta sa bonfire. Malapit na naming marating ang kinaroroonan ng bonfire ng biglang mag ring ang cellphone ni Kyle. Nagpaalam ito saglit para sagutin ang tawag.
Ang lamig ng simoy ng hangin napahawak ako sa braso ko. Nakatayo ako sa gilid ng garden hinihintay si Kyle na bumalik ng biglang may humila sa'kin sa madilim na parte ng garden.
Nanginig ang tuhod ko sa takot dahil hindi ko alam kung sino itong humatak sa'kin. Sa dilim ng paligid hindi ko matanaw ang itsura niya ang alam ko lang matangkad siya halos nasa dibdib na niya ang mukha ko ang tigas ng kanyang braso. Ang kaninang nakahawak lang sa braso ko ngayon ay nakayakap na sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa takot.
"It's cold. But you still don't want to take a jacket." Amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya at ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso niya.
"Bakit ka ba nakikialam?" Ang tangkad niya. Nasisilawan ng bahagya ang mukha nito dahil sa ilaw ng mga poste sa gilid ng garden.
"Dylan?" Pagtatakang tanong ko. Tumango siya. Nakatitig siya sa akin. Nakakatunaw ang mga titig na 'yon. Parang may lumilipad sa tiyan ko na pilit ko namang pinapakalma ang sarili ko.
"Follow me." Tipid na sagot nito.
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.
"A–Ayoko nga!" Aalis na ako ng magsalita siya.
"Who are you to say no?" Matalim ang tingin na binigay niya sa'kin.
"A-Ah Ano HAHAHA! Joke lang ikaw naman joker ako eh!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba.
Tumalikod na siya sa'kin at umalis. Wala naman akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya at baka ma karate ako ng wala sa oras.
Nasa dulo kami ng beach house. May gazebo pala dito? Ang lamlam ng mga ilaw tahimik at kaming dalawa lang ang tao dito. Nakatingin siya sa malayo parang ang lalim ng iniisip halos mag sasampong minuto na kaming nakatayo at walang imikan.
"Bakit mo ba ako dinala dito? Saka ano ba gawin natin dito?" Basag ko sa katahimikan.
"Did I give you permission to ask me?" Malamig na sagot nito ng hindi inaalis ang tingin sa malayo.
"A-ano ba trip mo?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Ang sungit!
"My mom told me. She was in high school when her memory got back."
Naguguluhan ako'ng tumingin sa kanya. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Humarap siya sa'kin at tinignan ako ng seryoso.
"If it's true. Then why she doesn't remember me?" Para ako'ng nasasaktan sa mga sinasabi niya umiwas ako ng tingin. Kahit hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin sinagot ko na lang sya ng satingin ko ay tama.
"Siguro bigyan mo na lang siya ng oras na maalala ka niya. Iba iba kasi isip ng tao." Naupo ako sa mahabang upuan ng gazebo.
"Ang iba kasi mas pinili na lang makalimot ng hindi na maalala ang masasakit na nangyari." Okey naman ang sagutan ko hindi ba? Baka kasi pag nagkamali ako bigla na lang akong ibaon sa kinatatayuan ko. HUHUHU! Saka hindi ko naman alam kung sino ba ang tinutukoy niya. Kung may amnesia ba ang taong yon kaya hindi siya maalala.
"Just forget what I said." Malamig na saad nito. Ang labo nga naman. Dinala niya ako dito para may makausap siya tapos susungitan niya lang ako. Ang gulo talaga ng tao na to kaya hindi mawala inis ko sa kanya.
"O–Okey. Ikaw bahala." Sagot ko.
Sumandal siya pader habang akapamulsa ang dalawa nitong kamay. Titig na titig siya sa'kin. Nakakatakot ang titig niya akala mo lalamunin ako ng buhay.
"Hoy! Huwag mo nga ako titigan ng ganiyan!" Inirapan ko siya. Deep inside natatakot na ako sa kanya.
"Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka pa sa'kin?" Pagpapaalala ko sa kanya habang nakataas ang isa ko'ng kilay.
"Wala akong kasalanan sayo." Aruganteng sabi nito sa'kin. Iniinis mo ako kanina tapos sasabihin mo wala kang kasalanan sa'kin? Argh! He's getting on my nerves.
"You know what? gwapo ka sana eh! kaso ang sungit mo!" Sigaw ko sa kanya. Napahawak ako sa bibig ko. Bakit sa dinami–dami ng pwedeng sabihin yon pa talaga ang nasabi ko. Nakakaasar talaga!
Bahagyang lumaki ang mata niya. Galit na to sigurado.
"BAHALA KANA NGA DIYAN BABUSH!" Tumakbo na ako palayo at baka mag good bye earth ako pag hindi pa ako umalis. Iniwan ko siya sa gazebo ng mag isa.