EZELLA POV NAGISING ako sa isang tunog. Kanta iyon at nang pakinggan ko iyon ay ang Promise me, na kanta ang naririnig ko na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Napaupo ako sa kama at tinignan ang katabi ko na tulog na tuloh. Si Zion. Tinitigan ko ang mukha niya, medyo nangayayat siya at may mga tumutubo ng balbas sa paligid ng pisngi niya. Nakadama tuloy ako ng awa sa asawa ko, hindi ganito si Zion na napapabayaang ang sarili. Mabuti na lang gwapo pa rin siya kahit medyo haggard na. Narinig ko ulit ang pagtunog ng kantang iyon kaya hinanap ko na ito at nakita ko ang umiilaw sa pantalon ni Zion, na nasa sahig. Kaya bumaba na ako at kinuha ito at pagkuha ko sa bulsa ng pantalon, ay cellphone pala ang tumutunog na iyon. Luissa's calling... Pinindot ko na at lumabas ng kwarto. "Love, w

