EZELLA POV "NAGING masama ba ako sayo, Luissa?" umpisa ko kay Luissa, nang nasa labas kami ng Ospital. Nakaupo kami sa sementong upuan na ang kaharap ay mga puno at doon ipinapasyal ang mga pasyente na may maayos-ayos na kalagayan. "Nagmahal lang ako, Ezella," mahinahong tugon ni Luissa. "Bakit ako, nagmahal din naman. Pero nagpaubaya ako, dahil akala ko sa'yo liligaya si Zin. Alam mo kung ano ang isinakripisyo ko, sinabi ko sa'yo lahat ng iyon. Pero bakit parang sa inaasta mo, bakit parang ang laki ng galit mo sa akin?" puno ng sama ng loob na tanong ko kay Luissa. "I'm sorry, Ezella. Ayoko lang kasi mawala si Rodney sa akin. Akala ko, masasalba ko pa pero hindi na pala talaga." Tumulo ang mga luha ni Luissa. Nakadama ako ng awa kay Luissa, may kasalanan man siya sa akin ay naaawa pa

