"Ganito ang naging buhay ko simula nang pumasok ako ng Crypton, at kung paano nagsimula ang lahat!" sabi ni Ezekiel sa aming lima. ............. "Ano? Handa ka na para bukas?" tanong sa akin ni Joan. Nakaupo ako dito sa mini sala ng aking kwarto habang itong babaeng kasama ko ay abala sa pagngatngat ng chips. "Ok lang," maikli ko na lang sagot sa kanya. Tuningin naman siya sa akin at siningkitan ng mata. "Hindi ka ba excited man lang!? May mga bago kang taong makikilala at baka makahanap ka rin ng love of your life!" napapikit na lang ako dahil sa kadaldalan niya. Aminin ko naman na hindi ako sanay na may kumakausap sa akin ng ganito kasi nasanay ako na mag-isa lang. Walang kumakausap at pinapansin lang nila ako para pagtripan. "Huwag na huwag mong gagawing katatawanan ang itsura

