Matapos kaming tawagin ng babaeng Referee papunta sa gitna, naglakad kaming lima paakyat ng Arena. NApalunok ako ng aking laway habang inililibot ang aking paningin sa mga manonood na nagpapalakpakan at nagsisigawan. Nang makarating kami sa gitna ng Arena, humarap kami sa aming mga makakalaban, ang mga taga Flair! Limang kalalakihan na may iba't ibang edad. Bawat isa sakanila ay nakatingin sa amin ng seryoso na para bang handang handa na silang pumatay! " Itong labanan na ito ay sa pagitan ng isa laban sa isa. Bawal kayong makialam sa labanan na nagaganap sa loob ng Arena. Kung makikialam kayo, awtomatikong talo ang inyong miyembro! " paliwanag ng referee sa amin. " May kakayahan akong itigil ang labanan na magaganap kapag nakita kong hindi na kayang lumaban pa ang isa. Walang mamama

