" Nandito tayo ngayon sa bungad ng Dakijuts, " sambit ng isang lalaking kawal na nagdala sa amin kung saan namin pwedeng makuha ang 'The Moon'. " Bakit parang kakaiba ang mga pangalan ng mga lugar dito? " nagtataka kong tanong sa aking mga kasama. Napatingin si Moises sa aki, " Ano ang ibig mong sabihin? " nagtataka niyang tanong sa akin. " Tignan mo, Mt. Puki-puki ang inakyat nating bundok tapos ngayon, nasa bungad tayo ng Dakijuts. Hindi ba parang ang laswa? " sagot ko sa kanya. Napailing na lang siya dahil sa aking sinabi," Ang isip mo lang ang madumi, Kelvin. Walang kakaiba sa mga pangalan ng lugar, ang kakaiba ay ang pag-iisip mo! " sagot niya sa akin. Napasimangot na lang ako dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko na lang sana sinabi kung ano ang naisip o napansin ko! Ako pa ngay

