ANDREA POV LABIS ang ligayang nararamdaman ko ngayon. Araw kasi muli ng pagkikita namin ni Gabriel. Dalawang linggo ngayon bago ang selebrasyon ko--- ito ang araw na pormal kong iimbatahin si Gabriel para dumalo sa mansyon kong saan ipagdidiriwang ang ikalabing walo kong kapanganakan. Naayos na rin ni Mang Tonyo si ang kabayo kong si Whitey--- tulad ng madalas kong paalam dito maglilibot lang ako sa Burol para makalanghap ng sariwang hangin. Agad naman ako nitong pinapayagan, mababait ang mga katiwala sa mansyon. Bata pa lang ako noon dito na sila nagtratrabaho kaya kilalang-kilala ko na halos ang mga tao dito. Sabagay mas nais ko pa minsan mag-stay sa rancho o sa iba pang bahagi ng mansyon namin kong saan may mga katiwalang nagtratrabaho---mas gusto ko kasing sila ang makausap keysa sa

