PABLO POV MULA sa pinto ng silid ni Andrea at Atasha lihim ko silang pinagmamasdan. Masaya ang puso ko ngayon sa nakikita kong tagpo na mayroon silang kapwa ng nakatulog, yakap ang isa't isa. Tuluyan na ngang napalapit sa dalawa ang puso ko. "Bukas uuwi na kayo sa Pilipinas," bulong ko sa sarili ko para sa kanilang dalawa. Mahina kong sinira ang pinto, ayaw kong maging sila sa presensiya ko at baka mahirapan silang makatulog ulit. Nagpasya na akong magpahinga sa sofa kung saan ko mas piniling magpalipas ng gabi. Maaga pa kami bukas, kailangan nasa airport na kami sa ganap na alas syete ng umaga-- direct ang flight namin alas dyes ang alis namin dito. Darating kami ng Pilipinas sa ganap na alas onse ng gabi, pansamantala sa isa sa mga hotel muna kami maglalagi sa bayan nila bago umuwi sa

