GABRIEL POV PINILI kong mag-usap kami ni Anthony sa labas ng silid ni nanang, habang wala pa rin itong malay-tao. "Ano'ng sadya mo rito? Ano'ng mayroon kay Andrea?" tanong ko sa kaharap. Halos hindi na mawala sa akin ang pag-aalalang nararamdaman ko tungkol kay Andrea mula nang banggitin niya ito sa akin, na ito raw ang sadya niya. "Nandito siya," maikling tugon nito sa akin ni Anthony, na nagbigay gulat sa dibdib ko, nang marinig ko mula rito na nandito raw si Andrea--- agad akong napalinga-linga sa paligid. Umaasa akong tulad ng sinabi nitong nandoon si Andrea ay makikita ko ito kahit sandali lamang. "Naka-confine rin siya," mahinang sabi ni Anthony sa akin. Napatingin akong muli sa kaniya, sa hindi ko masyadong naintindihang sinabi nito na nandoon si Andrea at ayon dito ay naka-co

