CHAPTER 55 VICTORIA KANINA ko inaabangan si Jordan sa tagpuan naming dalawa kong saan pinakiusapan ko siyang magkita kami. Gusto ko siyang kausapin para maayos ang lahat ng mga kailangan namin ayusin. Alam kong mabait na tao si Jordan at alam kong maiintindihan ako nito kung sakaling makiusap akong hayaan niya nalang ako sa piling ni Gabriel na alam kong aalagaan nito ang anak naming dalawa, ituturing na sariling anak dahil mahal ko si Gabriel at alam kong alam iyon ni Jordan. Napapikit ako ng maalala ang dahilang ginawa ko para payagan ako ni Gabriel-- dapat sa mga sandaling ito magkasama kaming dalawa sa hotel nagpapahinga at sinusulit ang sandaling pinagplanuhan niya para sa oras na sa amin lang. Huling lagok ang siyang ginawa ko sa kapeng inorder ko para sa akin habang hinihintay i

