ANDREA POV MASAYA kong dinala sa isang amusement park si Atasha. Ilang linggo na rin halos kaming hindi nakakapasyal ng anak ko at masaya ako dahil nakita ko sa mukha nito ang saya na matagal ko ng nais makita mula sa kaniya. "Hi!" Napataas ako ng tingin sa lalaking biglang dumating sa gawi ko kung saan ako nakaupo para tingnan si Atasha. Nakaramdam ako ng pagtataka sa biglang paglapit nito sa akin. "Yes?" nag-aalangan kong tanong sa kaniya-- base sa mukha nito alam kong Pilipino ito tulad ko. "I'm Pablo." Pagpapakilala nito sabay lahad ng palad nito sa harap ko. Nag-alangan akong tinanggap ito but I don't want to be rude to him at ayaw ko rin na matawag na inggrata sa dayuhang bansa kung saan kami naroong dalawa. "I'm Andrea," tipid ang ngiti kong pagpapakilala sa kaniya. Pormal kon

