ANDREA POV NAGISING na lang ako sa isang silid na kulay puti. Ano ba ang nangyari? Bakit ako nandito? Nasaan ako? Puti na nga ang kisame ay puti pa ang dibdib. Nang tingnan ko ang suot ko ay light blue at may tali. May swero pa ako sa braso. Bigla akong umupo at pinilit kong alalahanin kung paano ako humantong dito pero biglang sumakit ang ulo ko. "Aray ko. Ahh!" Kaya kinalma ko ang sarili ko. Baka makasama sa akin ang sobrang pag-iisip. Nahiga ako uli at ipinikit ang aking mga mata. Makaraan ang ilang sandali ay nakaramdam ako ng presensya ng dalawang pares ng mata. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang akin anak at si Pablo. Agad akong napangiti at nakaramdam ng saya na hindi ako nag-iisa sa puting kwarto na ito. Bagama't elegante ay tunay na malumbay kung ikaw ang nakahiga

