Gwen Napahawak si Gwen sa kanyang t'yan, hindi niya alam kung bakit kumikirot ito. Naglakad si Gwen papuntang sala umupo sa mahabang sofa, huminga nang malalim ng sa ganun mabawasan ang nararamdamang kaba. Napa-aray ito dahil mas tumitindi pa ang sakit, pinagpawisan na rin siya ng malapot. “Anak, lalabas ka na ba?” Kinakausap ni Gwen ang kanyang mabilog na t’yan. Kinakabahan si Gwen sa posibleng mangyari sa kanilang dalawa ng anak niya. Walang tao sa third floor lahat sila nasa baba, kaya walang makakarinig sa kanya kahit sumigaw pa ito. Inabot nito ang cellphone dinayal ang number ni Augusto, naka ilang ring na ito ngunit walang sumasagot. “Aaahh.. Aray..” Napasigaw si Gwen sa matinding sakit parang binibiyak ang kanyang balakang. “Ruby, tulong!” Ang malakas na sigaw ni Gwen. Kah

