Inaamin ni Gwen na galit ito kay Augusto ngunit hindi ibig sabihin na hindi na niya patatawarin ang kanyang asawa. Mahal na mahal nila ang isa’t isa kaya naman kahit anong pagsubok ang dumating sa kanila ay palagi silang magpakatatag. Naiintindihan nila ang sitwasyon para hindi masira ang kanilang relasyon. Kaya imbis na magalit ito ay minabuti niya intindihin at patawarin si Augusto. Nagulat pa si Gwen dahil may mainit na kamay ang nakayapos sa kanyang baywang. Hindi na ito nagtaka kung bakit nakapasok ito sa kanyang silid. Alam na ni Gwen nagpaalam na ito sa kanyang daddy kaya naman hindi na ito nagsalita. Napatitig ito sa guwapong mukha ni Augusto umiwas ng tingin ang dalaga bigla kasi itong nailang. “Go sleep magpahinga ka muna, dito lang ako babantayan kita.” anito, ilang saglit lang

