Dalawang linggo na ang nakalipas hindi pa rin nagbago ang pakiramdam ni Gwen. Hindi sinabi ni Gwen kay Augusto ang totoo, hindi pa kasi ito sigurado kung buntis ba siya. Alas kuwatro pa lang gising na si Gwen gusto niyang kumain dahil nakaramdam ito ng gutom. Sa kuwarto ni Augusto ay kompleto na kaya hindi na kailangan bumaba pa sa kusina. Mahimbing na natutulog ang mga bata si Augusto nakatihaya bakat na bakat ang nakapaloob sa boxer nito. Natawa si Gwen ng mahina dahil sa dinami dami ng puwidi tingnan doon pa dumako ang mata nito. Bumangon ito kumuha siya ng chocolate cake at malamig na pineapple juice. Nang makita ang pineapple juice sa loob ng refrigerator ay bigla itong naglaway hindi mawari ni Gwen kung bakit. Pagkatapos kumuha ni Gwen ng pagkain ay umupo ito sa kama at tumabi kay

