AUGUSTO Mahimbing na natutulog si Gwen pagod ang itsura niya. Yakap ko ang baywang ng dalaga habang nakasiksik siya sa dibdib ko. Dahan-dahan akong bumangon tatawagan ko si Manang Melissa para magpahanda ng pagkain. Umalingawngaw ang tunog ng cellphone niya sa boong silid inabot ko ito at tiningnan. "Mommy calling!" Maya-maya nawala ang ingay cellphone ko naman ang tumunog. "Tita Helena calling!" Hello!Tita magandang hapon po. Iho,magandang hapon hindi sinasagot ni Gwen ang tawag ko. Itatanong ko lang kong naka uwi na ba kayo? Sorry po Tita,nakatulog po si Gwen kaya hindi niya kayo masagot kanina pa po kami dumating Tita. Salamat Iho pakisabi na tumawag ako mag ingat kayo. "You'r welcome po, salamat!" Nagpaalam na si Tita Helena kaya pumasok ulit ako sa silid ng dalaga.

