Augusto Dahan-dahan bumangon si Augusto alas- kuwatro pa nang madaling araw ngunit gising na ito. Lumabas ito ng kuwarto nila ni Gwen at pumunta sa Cruise Ship kung saan dito ang Venue na hinanda niya pagkatapos sa simbahan. “I love the view, the place, and all. And I hope Gwen will love this too.” Ani nito, nang makarating si Augusto ay sobrang namangha talaga ito sa ganda ng paligid. Ang ganda nang arrangement puno ng bulakalak na iba't ibang kulay. Pagkatapos tingnan ni Augusto ang lahat ay bumalik na ito sa hotel. Kagabi pa kinuha ng kanyang beyanan si Lulu para makapag pahinga si Gwen. “Good morning hijo.” Bati sa kanya ng mommy ni Gwen. “Good morning po, kumusta po ka’yo? Si dad nasaan?” Tanong ni Augusto sabay tingin nito sa paligid. “Nagpapahinga na, ikaw ang sadya ko lumipat

