CHAPTER 42 Sumuka ako nang sumuka sa loob ng banyo. May nakain ba akong mali kahapon? Nitong mga nakaraang araw ay nararamdaman kong parang palaging sumasama ang pakiramdam ko. Palagi akong pagod at inaantok. Hindi ko lang pinapansin dahil baka dahil lang pagod ako sa pagrereview para sa board exam ko. Malayo kasi iyon kaya araw- araw kong kailangang bumyahe. Nang medyo kumalma na ang sikmura ko ay naghilamos at nag toothbrush na muna ako bago lumabas ng banyo. “Magandang umaga po, nay. . .” nagulat ako dahil nasa labas na ng pinto si nanay. Katulad ko ay kakagising lang din nito. “Tapatin mo nga ako, Maven.” Napalunok ako dahil seryoso siya. Lumabas na muna ako ng banyo. Nakatayo kaming dalawa sa tapat ng kama namin. “'Wag na 'wag mong susubukang magsinungaling sa akin, Mav

