CHAPTER 48 Bumalik ako sa loob ng bahay nang may bumili. Nilalaro na nilang dalawa ang anak ko. Kung alam ni sir John Wayne na anak niya 'yan, bakit hindi niya man lang ako tinanong? O baka naman hindi niya alam na may anak siya? Pero kahit na, hindi na kailangan pa ng DNA test dahil sa mukha pa lang ng bata ay masasabi mo na kung sino ang ama nito. Kung sa nanay siguro kailangan ng DNA test dahil wala akong ambag sa mukha ng anak ko. Iniluwal ko lang talaga siya. “Azrael, kailangan mo ng kumain.” tawag ko sa pansin ng anak ko. “Ma, po. . . gi! Pogi!” kanina niya pa paulit- ulit na sinasabi na pogi si sir John Wayne. Pogi talaga 'yan dahil d'yan ka nagmana. Hindi ko alam kung ilang babae ang paiiyakin mong bata ka kapag lumaki kana. “Kain na tayo, Azrael. Am- am na?” Lumapit

