CHAPTER 35 Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pumunta siya sa aking likuran at pasimpleng hinipo ang kanang pisngi ng pang- upo ko. May gigil ang ginawa nitong pagpisil doon. "'Wag kang masyadong lumapit sa kanya. Umiinit ang ulo ko at baka kung ano ang magawa ko sa lalaking 'yon.” banta nito sa akin at bago naglakad papunta sa tatay ni Lory. Nang magsimula na kaming magshoot ay ginawa ko ang lahat para ‘wag masyadong dumikit kay Warren ng hindi niya nahahalata. “Sige na, tapos na ang scene natin dito ngayon. Pwede na kayong maligo kung gusto n’yo.” Sumigaw ang lahat sa sinabi ko at mukhang kanina pa nila hinihintay iyon. Nakahanda sila at mukhang expected na nila na maliligo kami kasi may dala silang extra na mga damit. Ang mga babaeng kasama namin ay naghubad na agad ng damit at tangi

