Hindi ako mapakali habang kinakagat-kagat ko ang kuko sa aking hintuturo. “Chris, paano ako lalabas na nakaganito? At paano ako papasok sa lobby ng hotel na ganito lang ang suot ko?” Puno ng pag-alala ang nasa tinig ko. Tapos na kaming kumain at nakapagligpit na rin kami sa aming pinagkainan. Ang problema ko na lamang ngayon ay ang aking suot. I can't go out in the open wearing a man's shirt and boxers, can I? At paano naman ang sapin ko sa paa gayong VS pumps ang sinuot ko kagabi? Hinihimas ni Chris ang kanyang baba at taimtim na tinitigan ako mula ulo hanggang paa. “You look good with my shirt. I don't see any problem with that sweetheart.” He smirked. I rolled my eyes. “I'm serious Chris.” He chuckled lightly at may kung anong hinalungkat sa kanyang plastic na cabinet. Mula doon ay

