Si Breena naman ang humarap sa akin sa ikatlong-araw ng aking training. Buong pamilya ko na ang manunuod sa amin ngayon kaya ganado ako. Nilagyan ulit ni Clement ang buong paligid ng kanyang mga barrier na gawa sa mga halaman para wala kaming mapinsala sa loob ng hardin namin. "Handa na po ba kayo, Majesty?" tanong ni Breena nang humarap na ito sa akin. Kapwa na kaming nasa sentro ngayon ng aming hardin. "Ready na ako," sagot ko kaya nag-umpisa na kami. Agad niya akong pinatamaan ng yelong hugis espada. Nagulat ako dun dahil hindi ko inaasahan na nagiging kahit anong matatalim na sandata ang kanyang mga yelo na pinapakawalan saakin. Sa sunod-sunod na pag atake ng mga yelo niya ay marami agad akong natamo na mga sugat sa katawan ko. Iba ang bilis ni Breena kaysa kay Adara kahapon. Napapan

