“Keiran, can you not work for one day?” reklamo ni Cheska habang naglalagay ng sunscreen, kaninang pag baba namin ay naabutan namin silag nagbbreakfast kaya sumabay na kami. Napag usapan rin namin na gumala, pero si Keiran gusto magpaiwan.
“Dude, we’re literally surrounded by beaches and drinks. Live a little!” ani Drake.
Natawa si Kevin. “Oo nga, bro! Baka naman laptop pa rin bitbit mo sa bangka mamaya?”
Keiran looked up from his phone, calm but tired. “I just need to answer a few emails.”
“Emails na naman,” sabay irap ni Stacy. “You’re such a buzzkill.”
Tapos sabay silang nagtinginan ni Drake, parehong nagtaas ng kilay sa akin.
“Bela, ayain mo na!” pangungulit nila sakin.
Napatingin ako kay Keiran.
He looked the same, steady, expressionless, distant. Pero alam kong iba na.
“Hey,” tawag ko kay Keiran. “They’re right, Keiran. You should come.” saad ko pa.
Sandali siyang tumingin sa akin, saglit lang.
Tapos tumango. “Fine. But only for this one..” sagot niya kaya napa-appir nalang sakin si Stacy.
---
Ilang oras lang, lahat kami nasa bangka na.
Mainit ang araw, pero malamig ang hangin.
May dala kaming pagkain, alak, at music speaker. Nagdala narin kami ng mga towel para incase lamigin may pag balot kami.
“Next stop, hidden lagoon!” sigaw ng tour guide, sabay turo sa maliit na isla na may parang tunnel ng bato.
“Race you there!” sigaw ni Cheska sabay talon sa tubig.
Halos sabay-sabay na rin kaming nagtakbuhan sa tubig, tawanan, sigawan, pati si Keiran ay nakipagrace na rin at nakikipagtawanan.
Pagdating namin sa loob ng lagoon, halos walang tao. Tahimik, Malinaw ang tubig, at ‘yung liwanag ng araw, pumapasok sa butas ng mga bato, parang sinadyang magpakita ng lihim na paraiso.
Lahat kami nag-picture, naglalaro sa tubig, hanggang sa may biglang dumating na malakas na hangin.
“Uy, parang lumalakas ‘yung alon,” sabi ni Drake.
Sumilip si tour guide mula sa bangka. “Mga ma’am, sir, kailangn na ho nating bumalik, mukhang may hightide po ngayon” sigaw ng tour guide.
Pero bago pa kami makaalis, biglang bumuhos ang ulan.
Nagpulasan kami papunta sa bangka para kunin ang mga gamit namin at inilagay agad sa ilalim ng malaking bato.
Sobrang lakas ng ulan at hangin kaya medyo humahampas parin saamin kaya medyo nababasa na rin kami.
“Great!” reklamo ni Stacy. “Trapped in paradise!” saad pa niya kaya nagtawanan kaming lahat. Dahil sa sobrang lamig tila kusang nagsigalawan ang mga katawan namin para magdikit dikit para mawala ang lamig kahit papaano.
“Looks like the universe is still messing with us.” bulong ni Keiran sakin at bahagyang napangiti.
“My ghad! para tayong nasa loob ng refrigirator!” reklamo ni Cheska habang tinutuyo ang buhok niya.
“Akin na, ako na riyan.” tawa ni Drake, sabay yakap niya kay Cheska from the back.
“Eeeh, sweet naman!” sigaw ni Stacy, sabay irap pero halatang kinikilig.
“Come on, warm me up!” biro ni Cheska kay Drake, sabay pisil sa braso nito.
“Anytime, baby,” sagot ni Drake, sabay yakap ng mas mahigpit, dahilan para magtilian sina Stacy at Kevin.
“Ayy, PDA alert!” tawa ni Kevin.
“Eh ikaw, bakit di mo yakapin si Stacy?” balik ni Cheska.
“Ha? No need!” depensa ni Kevin agad, pero halatang nanginginig rin.
“Eh halata namang nilalamig ka rin, Kevin!” pang-aasar ni Drake. “Come on, man! Gentleman ka diba?”
Lahat nagtawanan. “Fine,” nagulat kaming lahat sa sinabi ni Stacy sabay dumikit sa tabi ni Kevin.
“Happy?” saad pa niya
“Very,” sagot ni Cheska, sabay palakpak.
Ngayon lahat ng mata, natural na lang, napunta sa amin ni Keiran.
Tahimik kami.
Ako, nakayuko, pilit tinatakpan ang sarili kong braso dahil sa lamig.
Si Keiran naman, nakasandal lang sa bato, nakatingin sa labas ng kuweba.
“Uy, kayo naman!” sigaw ni Kevin, nakangiti. “Kunwari oa ‘tong si Keiran at Bela, pero gusto na magyakapan mga yan” malakas na pang aasar ni Kevin.
“Yeah, Keiran, share the warmth naman!” singit ni Cheska habang tawang-tawa.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa mga kasamahan ko e, ang liligalig!
“Guys, I’m fine,” sabi ko, kahit halata naman sa boses kong nanginginig ako.
Napansin kong nakatingin lang sakin si Keiran, kaya naningkit ang mata ko, then before I could react, bigla siyang tumayo.
Hinubad niya ang suot niyang long-sleeve rash guard, basang-basa rin, pero mainit pa rin sa balat.
“Keiran–” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hilain palapit sakaniya at naistatwa nalang ako ng maramdaman ko ang mainit niyang balat sa balat ko.
“W-wait..” bulong ko.
“Stop arguing,” bulong niya. “You’re freezing.”
Naramdaman kong bumalot ang mga braso niya sa’kin, dahan-dahan hanggang sa unti unti itong humihigpit.
Natahimik lang ang lahat, tila hindi nila inaasahan ang gagawin ni Keiran, maging ako nagulat rin naman sa ginawa niya.
Napalunok ako ng maramdaman ko ang bilis ng t***k ng puso niya, tapos biglang kinuha ang towel at ibinalot niya sa hita ko.
“There,” bulong niya. “Keep that warm.”
“Well, damn,” biglang sabi ni Cheska, nakangiti. “That’s one way to heat things up.”
Nagtawanan ulit ang grupo.
Ako, nakatingin lang sa lupa, para maitago ang pamumula ng mukha ko.
“Mukhang hindi po huhupa ang ulan ngayong gabi,” sabi ng tour guide, hawak ang flashlight habang tinitingnan ‘yung langit. “Maghintay nalang po tayo hanggang sa mag umaga. Mas safe kung dito muna tayo magpalipas.”
“Ano raw?” halos sabay-sabay naming tanong.
“Meaning,” sagot ni Kevin, “we’re stuck here until sunrise?”
“Tama ho kayo,” Anang tour guide bakas sa mukha ang pag aalangan.
—
Maya-maya, humina na ‘ang ulan. Kasunod no’n ay sinindihan namin ang flash light at inilagay sa gitna at pinalibutan namin ito. Gustuhin man namin gumawa ng bonfire, pero paano? basa ang mga kahoy panigurado.
“Tara, kwentuhan nalang tayo!” sabi ni Cheska. “Real talk night. Since stranded tayo, let’s make it meaningful.”
“Game!” sabay-sabay nilang sagot.
“Okay,” sabi ni Kevin, “simulan ko na. Pero promise ha, walang judge.”
Natahimik kaming lahat, naghihintay sa sasabihin ni Kevin.
“I think I’m tired of pretending I’m okay,” sabi niya. “I want to seen who really i am, the man behind a happy face. yeah, there’s only one. Thanks man!” ani Kev at nakipagfistbomb kay Keiran.
“You’re allowed to, Kev,” dinig naming sabi ni Stacy at nagulat kami ng bigla niyang yakapin si Kevin mula sa likod.
“Chansing ka naman e!” biro ni Kevin kay Stacy at nagtawanan naman kami.
“Okay, ako naman,” sabi ni Cheska habang nakapulupot ang kamay kay Drake. “I’m scared of being left. Alam kong clingy ako, alam kong madaldal, pero… takot lang talaga ako na isang araw magising ako na wala na, wala na kayo… Ikaw” anya at tumingin kay Drake kaya agad na nag ayiee ang lahat, pero ako? wala ang cringe lalo nung hinalikan ni Drake sa noo si Cheska. -,-
Kevin rolled his eyes. “Okay, may nanalo na sa round na ‘to. Pass na ako.” kaya naman nagtawanan nalang kaming lahat.
“Your turn, San” sabi ni Kevin habang nakatingin kay Keiran.
“Yeah, ikaw naman,” dagdag ni Stacy, “Mr. KKK” natatawa pa niyang sabi.
Nakita kong napahinga siya nang malalim bago tumingin sa apoy. “I grew up with my Dad. My mom left us when i was a teen. Then, lately… may nakilala si dad, she’s pretty, look innocent, kind and a wife and mother material… then i think that… my dad and i was lucky to have her…” napalunok ako ng huminto siya at tignan ako.
Don’t tell me, i-isplook niya na step mom niya ang mama ko?! “But then i realized, how about her child? lagi niyang kinukwento na kaya raw niya iniwan ang dati niyang asawa at anak dahil, sinasaktan siya ng lalaki at wala itong pangarap sa buhay” bigla akong napakuyom ng sabihin iyon ni Keiran. Gusto kong sumigaw ngayon na kahit kurot hindi nakatikim si mama kay papa, tapos sasabihing sinasaktan siya?!
“I already accepted her as my new mom, pero someone change my mind..” bigla niyang sabi… “Oh? totoo palang ikakasal na si Tito?” ani Kevin. Napatingin ako sakaniya, ramdam ang pananayo ng balahibo ko sa batok.
Kapag nagkataon kasi na magpunta si Kevin sa kasal, makikilala niya agad kung sino ang step mom ni Keiran, because Kevin knows my mother, all of them, aside from Drake.