Tahimik lang kami ni Keiran na naglakad pabalik sa kung nasan ang mga kasamahan namin. Hindi ako agad nakakibo sa sinabi niya kanina, hindi ko rin alam kung bakit niya nasabi yon.. kasi sa totoo lang... napakabiglaan. "Oh san kayo galing? hanapin na sana namin kayo kasi pag gising namin wala na kayo ." ani Stacy ng makabalik kami. "Ahh... nagpahangin lang" saad ko naman "Nagpahangin?" mapang asar na turan naman ni Kevin, hindi ko na ito kinibo. Bagkus ay inirapan ko nalang ito at naupo na lang sa tabi ni Cheska. "San ka ba kasi nagpunta? nakita ko kanina si Keiran na hinahabol ka at tinatawag pangalan mo kanina." bulong sakin nito kaya ngumit naman ako. "Nagpahangin lang talaga ako, hindi ko lang talaga napansin na malayo na pala ang nalalakad ko." saad ko naman "Namimiss mo nanama

