Keiran’s POV Madilim ang paligid habang pinagmamasdan ko ang lumang warehouse sa harap ko. After namin matraced ang kinaroroonan ng anonymous sender na nagngangalang Jerico Rivera ay agad na kaming nagpunta sa lugar. Isa itong abandonadong warehouse, madilim at tahimik… at alam namin na nasa loob siya. Hindi ko na pinasama si Bela dahil ayokong mapahamak siya, kaya kami na lang ng security team ang nagpunta l. “Sir, confirmed. Inside ang target.” Mahina kong narinig mula sa earpiece. May pinauna na kami kanina to check the surrounding, and cleared naman kaya tiwala kaming walang ibang tao sa lugar kundi si Jacob lang. “Stay out of this,” malamig kong utos. “Sir, that’s not advisa—” “STAY. OUT.” Saad ko pa at pinatay ko ang comms. This isn’t business anymore. This is personal. And

