Isabelle’s POV Tahimik lang ang buong opisina ko. Hindi ako mapakali dahil ang daming gumugulo sa utak ko. Lahat ng gagawin naming kilos paniguradong may nakaakibat na panganib, pero kailanga namin magong matatag ni Keiran, hindi na lang ito tungkol sa pagbangon ng Romano’s Holding, it’s about personal. Nakatitig ako sa city lights habang hawak ang isang encrypted drive. Galing ‘to sa hotel na isa sa pagmamay ari ng mga Romano, at ngayon ay palihim nanaman itong pinadala sakin, hindi ki alam kung ang gumagawa ng lahat ng revelations ay kakampi naman o… kalaban. But this may help to solve everything, at kung sino man ang palihim na nagpapadala ng mga ito sakin, malalaman ko rin “Ma’am, ready na po ang private line,” saad ni Naneth mula sa likod ko. Tumango lang ako at nginitian siya.

