Isabelle’s POV Hindi pa man ako tuluyang nakakaupo sa upuan ko ay agad na nag-flash ang notification sa laptop ko. UNKNOWN SENDER. Napakunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang email mula sa kahit na sino, lalo na’t restricted ang access ng private line na ‘to. Pero… paano nakapasok ang email na to sakin? Dahan-dahan kong kinlick ang email. Walang message tanging isang file lang na may label na For the real CEO. Napahigpit ang hawak ko sa mouse. Kung pananakot ‘to… mali ang pinili nilang tao. I opened the file, pero ng buksan ko ito ay prang unti-unting lumamig ang buong katawan ko. It’s about some Documents. Transaction logs. Internal approvals and a copy of DNA test results. “W-what…” bulong ko sa sarili ko. Hindi ako malapaniwala habang isa isa kong tinitignan ang

