Habang may kausap si Zach ay agad naman akong nagbihis. Ngunit naririnig ko sa tono ng boses nito ang inis sa taong kausap nito sa cellphone. Natatawa na lang ako ng palihim sa inaasta ng lalaki. Mayamaya pa'y tapos na ring makipag-usap si Zach. Hanggang sa lumapit siya sa aking likuran sabay yakap ay halik sa aking leeg. Pagkatapos ay maliksi akong binuhat nito at ihiniga sa kama. Nakita ko ring isa-isa nang nag-alis ng damit si Zach. Pagkatapos ay agad na lumapit sa akin at inalis din ang mga damit ko sa buong katawan ko. Hanggang sa dahan-dahan siyang dumagan sa aking katawan ngunit nakasuporta ang kanyang braso sa higaan, sapat lang upang magpantay ang aming mga mukha. Hindi siya gumagalaw, bagkus, nakatitig lamang siya sa aking mukha. Ang limang pulgada sa aming pagitan ay sapat

