Kasalukuyan akong naglalaba ng mga damit ni Zach, nang biglang sumulpot si Manang Rose sa harapan ko. Ngumiti muna ako sa matanda. "Naku! Hija. Gusto kang makausap ni Zach. At kanina pa raw siya tumatawag sa cellphone mo. Sige na tumayo ka muna riyan at mukhang mainit na naman ang ulo ng batang iyon," wika ni Manang Sa akin. Marahas akong napabuntong hininga. Sabay iling ng aking ulo. "Manang Rose lagi naman pong mainit ang ulo ng taong iyon at para bang laging may dalaw," tanging nasagot ko na lamang sa matanda. "Iwan ko ba sa batang iyon. Hala sige at puntahan mo muna ang lalaking iyon. Baka kapag lalong paghihintayin ay lalong magalit at ikaw naman ang pag-initan," anas sa akin ni Manang Rose. "Sige po," magalang na sagot ko. Agad akong tumayo upang pumunta sa telephone na nakahang

