Nagising akong may nakayakap sa akin. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. At pagkatapos ay tumingin ako sa aking katabi. Nakita kong natutulog pa si Zach. Kaya naman maingat kong inalis ang braso niya sa aking beywang. Maingat din akong tumayo upang hindi makalikha ng ano mang ingay. Pansin ko'y nanginginig ang aking tuhod. Lintik naman kasi si Zach. Halos hindi ako tigilan nito kagabi. Tila walang kasawaan ang lalaki. Kaya ito tuloy ang naging resulta. Hinang-hina ang buong katawan ko. Ngunit kailangan kong umalis sa bahay nito. Dahil alam kong wala naman kaming patutunguhan. Lalo at iba ang nilalaman ng puso nito. Naglabas lang ito ng init ng katawan niya sa akin. Kaya kailangan kong lumayo sa lalaki. Nagmamadali akong nagbihis at pagkatapos ay marahan ang mga hakbang ko papal

