"Hoy! Kayo! Tumigil kayo sa paglalakad!" sigaw sa amin ng mga lalaki. Bigla tuloy akong napahinto. Sabay lingon sa kanila. At nakita kong mabilis na lumapit sa amin ni Zach, ang tatlong lalaki. "Mayroon kayong kailangan mga kuya?" tanong ko sa mga lalaki. Kahit kabado ang aking dibdib ay pinilit kong makipag-usap ng maayos. "Narinig ba ninyo ang mga pinag-usapan namin kanina lang?" tanong nito sa akin. "Narinig? Ano po ang dapat naming marinig mga kuya. Saka itong amo ko ay bingi na rin. Paano ka niya maririnig. Saka may headset ako sa aking tainga," sabi ko sa kanila, sabay pakita sa kanila. Nakita kong nagkatangin ang tatlong lalaki. Mabuti na lang at naglagay ako ng headset sa aking tainga. "Huwag mo akong pinagloloko, babae. Alam kong narinig ninyo ang usapan namin!" sigaw ng is

