Lumipas ang ilang minuto. Ngunit ganoon pa rin ang posisyon ko. Ang nakatungo, lalo at nasa ibang table lamang si Zach, kasama ang mga kasosyo nito sa negosyo. Tudo-tudo ang dasal ko na sana lang ay umalis na sila. Para naman makapag-usap na kami ni Jerry ng maayos. "Ella, sigurado ka ba na ayos ka lang?" tanong muli sa akin ng lalaking ka-date ko. At nasa tono ng boses nito ang pag-aalala. "O-Oo ayos lang ako. H-huwag mo na lang akong pansinin Jerry, kumain na lang tayo," sagot ko rito habang nakatungo ang ulo. Baka kasi biglang lumingon si Zach at makita ko nito. Saka, hindi ko ito mapipigilan na 'di mag-alala sa akin, sapagkat nakatungo talaga ako ng sobra habang kumakain. Kahit nga pagharap sa lalaking ka-date ko ay 'di ko magawa. Kaya ayon, labis itong nagtataka sa aking inaasal.

