Mas lalo akong nataranta nang muli na naman akong makarinig nang malakas na kalabog. Pakiramdam ko'y may mga taong naglalaban sa labas ng bahay. Kaya naman abot-abot ang aking dasal para kay Zach. Kahit gustuhin kong lumabas upang alamin kung ano ang nangyayari ay baka naman magalit sa akin ang binata. Lalo at kabilin-bilinan nito na huwag daw akong lalabas ng bahay kahit ano'ng mangyari. At hintayin ko na lamang ito rito sa loob ng silid. Hindi tuloy ako mapakali. Lalo at hanggang ngayon ay wala pa rin ang binata. Pero malalakas na labog pa rin ang aking naririnig. Halos manginig tuloy ang mga tuhod ko. Bigla tuloy akong napatingin sa pinto nang bumukas at tumambad sa aking harapan ay si Zach. Doon lamang ako nakahinga nang maluwag. "Kailangan na nating umalis dito. Mukhang nakatunog

