NANGINGINIG ANG buong kalamnan ni Arisia. Ramdam din niya ang tensyon laban sa kanilang dalawa. Narinig niya ang singhap ni Gianna sa isang gilid. Halos tumaas ang presyon nya nang makita ang itsura nito. Magulo ang buhok, naka-hospital gown. Nakayapak. Nakaupo ito pero may naakagaw ng pansin ni Arisia ang ang braso nitong may malaking hiwa. Kumunot ang noo nya lalo na nang tumuon ang atensyon nya sa mukha nito. Ang pisngi nito ay maga dahil may sugat din. Ang mga mata ni Gianna ay maga na rin marahil kakaiyak kahit ngayon, hilam pa rin ang mga mata sa sariling luha. Yumuko sya. Noon nya napansin ang mga tuyong dugo sa sahig. Ang silyang na kanyang inupuan ang marahil ay inupuan ng kanyang mahal... "Ako na ang bahala kay Gianna. Impormasyon lang naman ang kailangan natin sa kanya tung

