Nasa kalagitnaan ako ng pang-i-stalk kay Sean ng kumulo na yung iniinit ko. Dahil whistling kettle iyong ginamit ko. Mabilis na umingay ang kusina ng condo ni Elio nang kumulo na 'to. Hindi pa rin ako natinag at nagpatuloy lang sa ginagawa ko.
"What the f**k? Inez naman. Nandito ka lang pala hindi mo pa pinatay yung takure. Saka bakit ba ito pa ang ginamit mo e may electric kettle naman." Umexit na ako sa i********: tapos inalis ang nakapatong kong siko sa lamesa.
"Sinadya ko yan para magising ka na. May pasok pa tayo. Gusto mo bang masermonan tayo ni Sister Rizza kapag na-miss natin iyong first subject at yung quiz?" hinalamos ni Elio ang palad sa bloated nitong mga pisnge. Ang kalat ng buhok niya, puwedeng i-shelter ang mga wild bird. Wala siyang body odor pero hindi na ganoon kaganda ang amoy nito. Kung ano kasi yung suot niya nung nag-bar siya at nakipaglaro ng basketball kay Yael ay iyon pa ring suot niya hanggang sa pagtulog at ngayon.
"Sakit ng ulo ko puta." Gumala ang mata nito. Huli na ang gulat nito nang mapagtanto niya kung nasaan kaming dalawa. "Paano tayo nakauwi?" umahon ako sa kinauupuan at kumuha ng cup noodles sa pantry niya.
"Nag-drive ka? Tangina buti buhay pa tayo?" umikot na naman ulit ang mga mata nito. This time tinitiyak niyang nasa condo niya nga kami at wala sa afterlife.
"Pinag-drive tayo ni Yael. Iniwan namin yung kotse mo sa Juarez Heights. Wala ka bang naalala?" binitawan ni Elio ang kaniyang ulo. Masama ang tingin na pinukol nito sa akin. Mabuti na lang at ako ang may hawak ng takure. Parang delikado kasi ang buhay ko kapag siya. Kayang-kaya siyang bulungan ng demonyo para ibuhos yon sa akin.
"Gago bakit? Ang dami namang tao roon sa Juarez Heights. Bakit sa kaniya ka pa nagpahatid?"
"Kasi kilala natin siya ng slight kesa sa ibang nandoon. Kay Sean dapat ako magpapahatid kaya lang susunduin niya yung girlfriend niya somewhere sa Southbound. Alam mo ba na may girlfriend siya?" tinikman ko na lang ang sabaw ng cup noodles na prinipeare at tahimik na nag-umagahan ng pag-walk-out-an ako ni Elio.
What an ungrateful ass. Next time ge get himself in trouble. I will stand still and won't save him.
"Bilisan mo naman. Wala ka bang alam na shortcut? Fifteen minutes na lang simula na ng klase." Dinaanan pa namin ang kotse ni Elio sa Juarez Heights. Ang resulta ito malapit-lapit na kaming ma-late dahil rush hour na at mahaba na ang pila ng sasakyang galing EDSA-hanggang Taft na siguro 'to.
"Ang ingay mo naman. Tahimik kasi. Nadi-distract." My phone ring just in time when I decided to paste my lips together.
"Si Rizza." I slide up the green icon to answer my bestfriend's call. "Saan ka na? Si Elio rin wala pa. Hindi ko yon ma-contact."
"Nagda-drive."
"Sinundo ka niya?"
"Asa naman." Lumipad ang mga mata ko kay Elio. Badtrip pa rin 'to sa akin dahil sa nangyari kagabi. Kaya kapag may chance siya na sungitan ako ay ginagawa niya.
"Chika ko sa iyo mamaya. Kung sakaling mali-late kami. Ipag-attendance mo kami para sa first subject. Pipilitin naming makarating bago magsimula ang quiz. Bye, I love you. See you mamaya."
"Libre mo ko ng lunch mamaya ha. Dahil sa akin hindi nakuha ni Yael iyang kotse mo."
"Doon ka sa Yael magpalibre. Para namang close na kayong dalawa. Mamaya niyan kasabay na natin mag-lunch yan at kasama sa hangout." I poke his cheeks. Wala kasing fats ang pisnge nito kaya hindi rin nakaka-enjoy na panggigilan.
"If he happens to start eating lunch and hanging out with us just tolerate it." Malandi ang lantik ng eyelid at eyelashes ko habang sinusubukan ko na magpa-cute rito. Nasa tapat kami ng traffic light na naka-red kaya nagawang alisin ni Elio ang paningin niya sa kalsada.
"Kahit mga isang buwan mo lang tiisin. Once he's head over heel in love with me. I'll dump him." Tinaas ko ang aking tatlong daliri. "Bigyan mo ko ng three months. One month to make him notice me, be friend with him and eventually make him like me. The second month I'll drive him more crazy in love with me." Iyong forefinger ko na lang ang naiwang nakatayo. "The third month. I will be in a relationship with him and when the third month ends. I will leave him."
Akala ko matutuwa si Elio sa plano ko at sasang-ayon. This is for him after all, so he can get back. Pero tulad ni Rizza parang hindi rin maganda ang kutob nito sa gusto ko.
"Your plan sounds nice but it sounds like suicide too at the same time." A sneering smile pops on my lips. "Bakit parang biglang nagbago ang ihip ng hangin? Hindi ba't mainit ang kulo ng dugo mo roon?"
"Hindi nagbago ang ihip ng hangin. Ayaw ko lang na masaktan ka. It's the Yael Silva of Port Chester University that we are talking about here. Walang may alam sa takbo ng utak non. He is unpredictable." Elio shoot his lazy eyes to me. "Gusto kong gumanti sa kaniya pero siyempre hindi kita isusugal. Magba-backfire lang sa iyo iyang plano mo." Imbes na matakot at mag-back out na lang mula sa plano. Mas lalong gusto kong makipaglaro kay Yael.
"Hindi yan. Pustahan pa tayo."
"Ano namang ipupusta mo?" lumapad ang labi ko. Sabi talaga kakagat 'to basta may pustahan.
"Europe trip para sa ating tatlo nina Rizza. Kapag natalo ako. Kapag ikaw naman ang natalo ko. Ikaw ang magbabayad sa trip plus shopping spree." Sinayaw-sayaw ko pa ang aking mga kilay habang hinahamon ko siya.
Elio did a mental calculation. It took a little while before he said yes. Isang kanto na lang ang layo namin sa PCU ng matapos kaming magkasundo na dalawa sa pustahan.
This make him fall for me-dump-him-and-have-a-vacation-trip-in-Europe is going to be the highlight of my teenage life.
Sumilip si Elio sa binta ng room. Wala pa roon ang teacher namin pero ang mga gamit nito ay nasa lamesa na. Maayos na ring nakaupo ang mga kaklase namin. Nang matapos si Rizza sa kung ano mang sinusulat sa crosswise. Dumako ang mata nito sa bintana at nakita kami ni Elio. Pinandilatan niya kaming dalawa sabay nguso sa pinto.
Agad na nagsitinginan ang mga kaklase namin pagbukas ko ng pinto. Their blank stares did not last long thou.
"Nag-cr lang si Ma'am. Simula na yung quiz. Bilisan niyo na. Kumuha na kayo ng crosswise tapos maupo na," sabi nito habang nilalagay ko yung bag sa armchair. Pagkaupo ay napansin ko agad ang paperbag ng Baked and Fried. Isang sikat na breakfast house na malapit lang din sa PCU.
"Kay Ian?" I mouthed. She gazes on the paperbag. "Mayroon din diyan para sa inyo ni Elio."
Nag-thumbs ako rito at nagsulat na ng pangalan sa crosswise. Sayang lang talaga at babae na ang sumunod na kapatid ni Ian at dalawa lang sila. If ma-meet ni Rizza ang ibang kamag-anak ni Ian na lalaki. Sana naman maalala niya akong ireto.
Dictation ang quiz kaya mas doble ang katahimikan sa room. Maski paghinga ng kapwa ko estudyante ay hindi naririnig.
"Question number twenty. The organisms, which is placed in the bottom of ecological piramid, is ..." Our teacher look around for a while and repeated the question.
"A. Producer, B. Herbivore C. Carnivore D. Omnivore. E. Plankton." Tulad kung paano nito binasa ang question inulit niya rin ang choices.
Naghintay rin 'to ng halos dalawang minuto bago siya nagbigay ng instruction na ipasa na raw ang mga papel sa unahan.
"Nag-review ka ba para sa quiz?" Kami na ni Elio ang unang humalungkat sa paperbag na galing sa Baked and Fried. Binigay sa akin ni Elio ang clear box na may lamang anim na piraso ng macaron.
"Perfect." I opened the clear box. My tongue plunge in the wonderment of its taste. Thank God for macarons.
"Nakapag-review ako para sa quiz." Hinihintay ni Rizza kung magsi-second the motion ba kaming dalawa ni Elio sa sinabi nito pero siyempre hindi.
"He was out. Drunk at naghamon ng basketball kay Yael. Pinusta ang kotse niya tapos natalo."
"And then? What happened to his car? Anong sabi ni Tito?"
"Hindi naman nakuha ni Yael yung kotse. I saved his ass."
"This bestfriend of yours is trying to pull a dirty trick to that asshole." Alam na agad ni Rizza kung ano ang dirty trick na tinutukoy ni Elio. Kinuha nito mula sa kamay ko yung clear box ng macarons at binalik sa paperbag.
"Akin na-" Pinandilatan ko 'to ng mata habang hinahawakan ang ulo kong tinuktukan ni Rizza ng ballpen. "Ako na lang ang magbibigay sa iyo ng sakit ng ulo. Itigil mo na yan, Inez."
"You're overreacting. What could possibly happen? Malayong-malayo si Yael sa ideal man ko. Hindi ako mapu-fall sa kaniya. A heartbreak is never gonna happen." Pagkatapos ng sumunod na klase bago mag-lunch break. Patuloy ko pa ring kinumbinsi si Rizza na just for fun lang naman 'to saka para rin to kay Elio.
No one messes with my friend because they messes with me too.
"Gusto kong kumain ng pork sisig tapos dalawang extra rice." Hindi ko na kailangan pang tumingin sa menu. Sa sobrang mahal na mahal ko ang pagkain. Nagawa ko ng kabisaduhin ang pag-ikot ng mga pagkain na available from Monday to Friday. Mas kabisado ko pa ang mga 'yon kesa sa ibang academic terms at formula.
"Baka isang extra rice. Sis, may isa ng scoop ng kanin sa isang meal ng sizzling pork sisig." Hindi na kami nahirapang maghanap nang mauupuan. Maaga kasi ang dismissal sa amin kaya halos wala pang tao sa canteen.
"Dalawang extra rice nga."
"Tatlong kanin lahat?"
"Gutom ako."
"Mas malakas ka pang kumain sa akin." Jumoin na rin si Elio sa pang-aasar sa akin ni Rizza. Minsan na lang nga makahanap ng something funny to talk about si Rizza iyong appetite ko pa.
I took out a hundred peso bill from my wallet and push it closer to Elio. "Malaking c2 din saka Goya."
"Ang halimaw mo naman. Halos kakaubos mo lang ng macarons." Kinuha pa rin naman ni Elio yung pera. Hindi naman to mahirap kausap at mabilis din namang napapasunod.
"Gutom nga sabi."
"Ikaw?" Rizza lifted the papebag and take the mac and cheese from it. "Isang bottled water na lang." Nag-abot ito ng bente. Sana all smart, may perpect na soon to be boyfriend saka very wise at masinop sa pera. My impulsive ass and urges to buy everything that makes my eyes twinkles could never relate.
Dahil nasa may bintana kami tapos ang sunod doon ay yung hallway na dinadaanan ng mga estudyanteng papasok at palabas ng cafeteria. Agad kong natunugan na papasok sina Yael at Sean.
I tuck my hair behind my ears and fix the ribbon of my uniform. Alam ko na dumalaw sa spot namin ang mga mata ni Yael. I even fake a cute smile hoping he would remember that before he goes to bed later.
"Inez?"
Tumalon ang mata ko kay Elio. "Oh?"
"Isang sizzling pork sisig, dalawang extra rice, malaking c2 at Goya hindi ba?"
Ramdam ni Rizza ang kahihiyan na nanuot sa bawat hibla ng pagkatao ko. Sabay kaming yumukong dalawa. Nagpipigil siya ng tawa tapos tinatadtad ko naman ng mura si Elio.
Magsu-sorry na lang ako kay Lord para sa mga bad words na nasabi ko mamaya. Kapag hindi na ako galit.
Hindi naman kailangang ipagsigawan yon. Kung ipahamak naman ako ni Elio. Parang hindi kami mag-bestfriend simula grade nine!
"Inez." Dahan-dahan akong nag-angat ng mata. Nakita ko ang hawak ni Sean na liptint. Sinulyapan ko kaagad si Yael. As usual. Hindi siya mentally present. Basta nagbabalat lang siya ng tangerine habang naghihintay kay Sean sa puwesto nila.
"Naiwan mo sa kotse ko. Sa iyo to di ba?" I nodded my head and grab it from his hand. "N-Nahulog yata kagabi. Salamat."
"Sige."
Pinakatitigan ko ang liptint.
Kung si Sean ang nakakita nito. Ibig sabihin hindi napansin ni Yael itong liptint? Impossible naman yon. Sinigurado ko na makikita niya yon kapag luminggon siya roon sa upuan. Was his eyes glued on the street the whole time? Parang ang impossible naman non.
"Baka matunaw yan," komento ni Rizza. Nginuso rin ni Elio ang pagkain ko. "Hindi mo pa rin yan nagagalaw."
"That Yael is giving me a hard time. Si Sean ang nagbalik ng liptint na iniwan ko roon sa kotse kagabi. Siya dapat ang nagbalik nito sa akin." Pinaghiwa-hiwalay ko ang nakakumpol na kanin. Doon ko na lang binuhos ang pagkainis ko dahil palpak ang unang style ko nang pagpapansin sa kaniya.
Kanina pa ako nakatingin sa kaniya pero hindi naman nagagawi ang mata niya sa panig namin hanggang sa binuka ko ng malaki ang aking bibig para sana sa una kong subo. Nasungal-ngal ko yata sa ngala-ngala ko yung kutsara nang bigla na lang akong mataranta pagkatapos magtama ng mata namin.
I pulled the spoon out of my mouth. Minasahe ko ang aking dibdib pagkatapos at uminom ng tubig. Nang mapatingin ulit ako kina Yael. Straight pa rin ang mata nito at pinanunuod niya ako. Hindi lang yon. Naglalaro pa sa labi niya ang isang mayabang na ngisi.