Galing sa relo sa palapulsuhan. Sumilip ako sa glass wall ng convenience store para tingnan kung dumating na ba si Yael. Ilang minuto na lang kasi matatapos ko na ang shift ko. Ngayon ang first day ko sa convenience store. Addie was nice enough to stay for a couple of minutes to guide me even after she is done with her shift. Siya pa nga anf nag-mop ng sahig na dapat ay ako na ang gagawa. Hindi naman ganoon kasama ang experience ko sa unang araw. Halos lahat naman ng costumer ay madali lang asikasuhin. Ipa-punch ko lang yung mga binili nila, bubuksan yung kaha para ilagay ang binayad nila tapos susuklian ko sila at ilalagay na sa paperbag lahat ng binili nila. Kailangan lang talaga na mabilis ang kilos ko. Halos lahat kasi nang bumibili rito ay parang nagmamadali. Kung hindi naman ay par

