Chapter 59

2012 Words

Habang nakikipag-usap kay Miss Sheena na siyang Ina ng magkapatid na itutor ko. Napapansin namin ang panay na pagsilip sa may hagdan ng babae at lalaking magkapatid. "Kat, Kik?" Hindi na rin talaga nakatiis si Miss Sheena. Tinawag na nito ang mga anak para pababain. Mabilis na kumilos ang mga bata. Napasigaw nga ang Mama nila para pagdahan-dahanin sila sa pagbaba ng hagdan. Halos tumatakbo na kasi ang mga 'yon. Paglapit sa amin. Yumakap iyong dalawa kay Miss Sheena. "Mama, sino siya? Love-love ba siya ni Kuya Clark?" Agad na tinakpan ni Miss Sheena ang bibig ng babae. "Ang ganda niyo po." Nag-thumb up iyong batang babae. "Payag po ako na kayo ang love-love ni Kuya Clark." "Psst!" Sita ulit ni Miss Sheena sa babaeng anak nito. "Kat-kat puro ka kalokohan." Malapad na ngumisi sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD