Apat na school year, isang graduation, tatlong birthday, tatlong pasko, tatlong new year, thirty six na monthsarry at tatlong anniversary. Yael and I gone through a lot for the past three years. Marami-rami na kaming naging malalaking away, iyong mga maliliit na gusot naman sa pagitan namin ay hindi ko na mabilang pa. Karamihan nga sa mga iyon ay hindi ko na talaga maalala kung paano nagsimula. Graduating na siya ngayong taon at ako? Nasa third year college na. I landed on the same course that my parents wanted me to take. Ang pinagkaiba lang ngayon. Choice ko na ito ang kunin. Magagamit ko kasi ang pinag-aralan kong ito kapag nagtayo na kami ng business ni Rizza. Tulad ni Rizza sa ibang bansa na rin nag-college si Elio. Nag-first year lang siya rito tapos ipinadala na siya ng mga magula

