Chapter 2

1046 Words
Naririnig ko na ang tunog ng kubyertos sa koleksyon ng mga mamahaling plato ni Mama. Her Gucci collection of plates. Alam na alam ko ang tunog non at isa lang ang ibig sabihin nito. Nandito sa bahay ang mga Acosta. Lumapit kaagad sa akin ang isa sa kasambahay namin. Sadya yatang pinaabangan ako ni Mama sa kaniya. "Pinagbibihis ka po ni Madam bago raw dumiretso sa dining," anito. I rolled my eyes. I look just fine with my wide-legged pants and cropped long-sleeve. Sumasagi lang naman sa isip ko every now and then na mag-go against my parent's will pero wala talaga akong guts na gawin 'yon. Ang ending ay ginagawa ko pa rin talaga ang gusto nila. Sa ibabaw ng kama ay nakalabas ang isang Versace dress. Black heels at danglings. Hindi ko maiwasang maisip na pinag-aayos ako ni Mommy para maakit ang kahit na sino sa tatlong lalaking anak ni Mr and Mrs. Acosta, mga business partner ni Daddy sa TechNov. Sa tabi ng mga nakalatag na gamit ay note na may sulat kamay ni Mommy. Pinaalalahanan niya akong maglagay ng kahit kaonting make up. Bago pa tuluyang makapasok sa dining room. Nakaabang na ang lahat ng mata. Dala siguro ng tunog ng takong ko sa marmol na sahig kaya nalaman nilang may paparating. "Hija you're home." Mama with her eyes rounder than the usual is acting surprise. Of course she nailed it. She used to be an actress in the nineties. "Sit and join us." Isa na lang ang bakanteng upuan. Sa pagitan 'yon ni Daddy at ng bunsong anak ng mag-asawang Acosta na si Sean. "Inez I love the teacup that you sent me last month," biglang sabi ni Margery Acosta. Natulala ako rito. Wala naman kasi akong pinadalang teacup set sa kaniya last month. It's not my style. Naliwanagan na lang din ako nang maramdamang may mahinang sumisipa sa aking paa. Si Mommy. Siya rin siguro ang nagpadala nung teacup. Next time sana naman ini-inform niya ako ahead. Hindi ganitong nagkakagulatan na lang. "We should bond and use it next time." Ngumiti ako rito bilang pagsang-ayon. Born to an actress mother. Picking and using the proper emotion for certain moment is something I can do effortlessly. Natapos ang dinner pero hindi pa rin umuwi ang mga Acosta. Nagkaroon pa kasi ng biglaan at maliit na tea party sa may pool. The misters didn't dare to refuse what their misses wanted to happen. Nagdahilan na lang akong may gagawin pang report para sa Economics kaya nakatakas na ako sa socialization at nasa kuwarto na. Habang hinihintay ang reply ni Rizza sa text ko. Lumabas ako sa terrace. Mula sa kinatatayuan ay tanaw ko ang labas ng gate. Sakto sa pag-ring ng cellphone. Nakilala ko yung maputi at matangkad na lalaking nakatayo sa may tapat ng gate. "Yael Silva," I whispered. "Were you expecting a call from him?" si Rizza. "Hindi... nasa labas ng gate namin si Yael Silva. Oh my—what the f**k is happening?" I move closer to the railings. Kulang na lang ay isampa ko ang upper body roon para lang magkaroon pa ako ng chance na mas makita siya. Maya-maya pa ay mayroon nang naglalakad papunta sa gate. Dahil nakatalikod 'yon mula sa direksyon ko ay hindi ko 'to nakilala kaagad. "Oh—" Napatakip ako sa bibig. "Is he friend with Sean Acosta?" "Sino?" "Si Yael." "How would I know?" natahimik ulit ako at pinanuod lang yung dalawa na mag-usap. Sean then handed him something. Tinapik nito yung balikat ni Yael at pumasok na ulit sa gate. One second pass and Yael is in one of the Acosta's car and driving away. "I think they are friends nga," I squealed. When I look down. I saw Sean looking up at my direction. Puzzled as to per why I sound like a dying duck. "Sandali." I checked my phone's screen. "Tumatawag sa akin si Elio." Before I could tell Rizza that I will hang up. She did. "Elio Madrigal..." "I need you to help me." Halata ang pagka-nerbyos sa boses ni Elio. Nangunot ang aking noo at nag-isa na ang kakapalinis ko pa lang na kilay. "I plan to do so. Wanna hear the details?" "Niyaya ko sa one on one basketball match si Yael. Kapag natalo ko siya pababalikin niya sa akin si Elisabeth. Kapag natalo ako sa kaniya na iyong kotse ko---" "Ay gago ka ba?" I pressed my lips together. I needed to save Elio's ass. If not at least be there to comfort him when Yael make him eat his dust. Sa pagmamadali ay hindi na ako nagbihis pa. Kumuha na lang ako ng cardigan sa drawer at nagtatatakbo na pababa. Dumiretso ako sa pool kung nasaan pa rin sina Sean. Nakita ko itong nakikipag-usap sa panganay niyang kapatid. "Excuse me." I said to Leucos. I faced Sean with a constipated smile then grab him by his arm. Dinala ko siya sa may garahe sabay abot ng susi ng kotse ko. "I saw you talking to Yael outside. Kailangan mo 'kong dalhin sa kaniya. Wala pa kasi akong driver's license kaya ikaw na rin ang mag-drive." Kinuha ni Sean ang kamay ko at binalik doon iyong susi ng kotse. "Hindi ko alam kung nasaan si Yael." "B-But you were talking to him. Iyong kaibigan ko kasi. Lasing yata yon or nababaliw na. Niyaya niya sa one on one match si Yael." Kung paano pinikit ni Sean ang mata. Parang hindi ito ang unang beses na may ganitong nangyari. He definitely look like that certain friend who is fed up and frustrated with their friend's bullshit. Kumbaga sa circle of friend ko si Sean si Rizza at si Yael naman si Elio. "Paki-text na lang si Yael. His number is saved under Y. Silva. Itanong mo kung nasaan siya." "Magrereply ba 'yon?" Akala siguro ng Mommy ay kung ano na ang nangyayari na pabor sa gusto niya kaya hinayaan nito na makaalis kami. Kulang na lang nga ay ihatid pa kami hanggang gate. "Tawagan mo na lang pala para mas mabils," Sean demanded. A couple of ring after I dialed Yael's number, he pick up. "Hmm?" he murmured lazily on the other line. Tangina iyong puso ko. Na-culture shock yata sa ka-sexyhan ng boses nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD