Nasa sala si Mama nang bumaba kami ni Kuya Veno. Ako ang may bitbit ng luggage bag habang nakasunod lang ang pinsan ko sa akin. Base sa lenggwahe ng katawan nito. Sinukuan na ako ni Kuya Veno. Hindi niya na pinagpipilitan pa ang suggestion niya kanina. He already knows that I won’t be coming home… for a long time. “Inez.” Punong-puno ng takot ang boses ni Nanay Rita. Kahit na napansin na ni Mama ang mga dala ko. Prente lang nitong ininom ang tsaa na nasa mamahalin niyang teacup. I glance at her direction. Kahit papaano ay hinihintay ko na tingnan niya rin ang direksyon ko. In the last minute, I was waiting for her to change her mind and stop me from leaving. Hinihintay ko na pagbigyan niya ako sa gusto ko at suportahan. Kapag nangyari ‘yon. I’ll be on bended knees and ask for her forgi

