Umaga na sa ating duyan 'Wag nang mawawala Umaga na sa ating duyan Magmamahal, oh, mahiwaga Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga nanunuod ang unang verse ng kanta na pini-perform ng Ben & Ben. Mayroong humiyaw sa kilig, may mga nagkatinginan. Hinahanap ang mata ng taong pinipili nila sa araw-araw. Mayroon din namang mga natigilan. Kung bakit, sila lang marahil ang nakakaalam. Mahiwaga Pipiliin ka sa araw-araw Mahiwaga Ang nadarama sa 'yo'y malinaw Sa unang salita na kinanta para sa chorus. Sumabog na sa madilim na kalangitan ang maliwanag at iba't ibang kulay ng fireworks. Tumingala ang lahat para pagmasadan at hangaan ang mga 'yon. Habang ini-enjoy ng mga mata ko ang makapapigil-hiningang fireworks display. Hindi ko maiwasan na maya't mayang lingunin ang nakatingala ring

